Hindi lahat, pero karamihan sa ating mga magulang ay nagtatrabaho na halos buwis buhay para lamang maibigay at matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga mahal sa buhay.
Kahit sobrang pagod sila, pero kapag alam nilang naibigay nila ang kailangan ng kanilang mga anak, ay napapawi ang mga ito, pilit silang ngumingiti at nagpapakatatag para sa pamilya.
Ang lalaki naman na ito ay nagpapakita lamang kung gaano kahirap ang ginagawa niyang trabaho para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. Maging ang kalusugan at kaligtasan nga niya ay hindi na rin niya naisip makapaghanap buhay lamang.
Ang lalaki ay nakilala bilang si Misyanto, 66 taong gulang. Siya naman ay natagpuang walang ng buhay sa kaniyang motorsiklo habang ito ay naglalako ng ice cream sa Desa Ledokombo, East Jawa, Indonesia.
Ayon sa ulat ng Suara Indonesia, natagpuan ni Suwoco si Misyanto nang siya sana ay tatawid sa daan ngunit napansin niyang nakaharang si Misyanto sa daan habang ang ulo nito ay nakahiga na sa hawakan ng motorsiklo nito.
Dahil tila hindi kumikilos si Misyanto, binusinahan pa siya ni Suwoco para mapunta ang atensyon dito. Ngunit, doon na napansin ni Suwoco na tila mayroong mali kay Misyanto, nilapitan niya ito upang suriin ngunit natagpuan na lamang nito na tila pat4y na si Misyanto.
Sa naging imbestigasyon na isinagawa ng mga pulisya, hindi rin sila nakakita ng kahit anong senyales ng paghihirap ni Misyanto at wala rin naman sa mga gamit nito ang nawawala. Maging ang pamilya nito ay ayaw rin magsagawa ng autopsy para sa bangkay ni Misyanto.
Kinlaro naman ng spokesman ng Sumber Police Station na si Iptu Sono na ang ginawang pagsusuri sa katawan ni Misyanto ay ginawa ng mga medic team.
“His family members said that he would always complain of having headaches and breathing difficulties. Yet, he insisted on going to sell his ice creams.”
Source: Keulisyuna
0 Comments