Tila naguluhan si Ogie Diaz sa mga naging pahayag at ipinaglalaban kamakailan lang ng aktor at politiko na si Alfred Vargaz.
Kamakailan kasi, isinusulong ng Quezon City 5th District Representative na si Vargaz ang tungkol umano sa mga karapatan at benepisyo na dapat ay natatanggap ng mga taga-industriya at ng mga filmmakers.
Dito, isinusulong ni Vargaz ang paghihikayat sa mga banyaga na magshooting o gawing lokasyon ng mga pelikula ang Pilipinas at pati na rin ng pagbibigay pansin sa ating mga filmmakers.
Ayon kasi kay Vargaz, ang hindi umano pagbibigay ng maayos na ‘incentive’ sa mga filmmakers sa bansa ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi natutuloy na mag-shoot dito sa Pilipinas ang mga international films.
Saad pa ni Vargaz tungkol dito,
“According to reports, producers of ‘Mission Impossible’ took interest in shooting in the Philippines sometime in 2019. This, however, did not push through, and the crew instead went to Thailand to shoot…
“Bakit nga ba hirap tayong mahikayat ang mga banyaga na gumawa ng pelikula sa Pilipinas? Mayaman naman tayo sa magagandang tanawin. World-class ang beaches natin. Dagdag pa riyan, magaling mag-Ingles ang mga Pinoy. Hindi problema ang pakikipag-usap sa mga banyaga…
“I believe, Mr. Speaker, that the problem lies in the lack of incentives for filmmakers. According to reports, one of the reasons why the ‘Mission Impossible’ team chose Thailand over the Philippines was due to its attractive incentives program, which includes tax rebates of up to 20 percent. There’s an additional 2-percent discount if the film promotes Thai tourist spots…”
Ang ulat tungkol sa panukalang ito ni Vargaz ay kumuha naman sa atensyon ng komedyante at aktor na si Ogie Diaz. Ayon kay Diaz, ang ipinaglalaban na ito ni Vargaz ay nakakalito umano gayong isa ang politiko at aktor rin sa mga nag-abstain sa botohan ng pagpapasara ng ABS-CBN.
Kung matatandaan, ang naging dahilan umano ni Vargaz sa kanyang desisyon na ito na mag-abstain sa botohan ng pagpapasara sa naturang giant network ay dahil umano sa pag-iwas nito sa ‘conflict of interest’.
Kaya naman, sa Twitter ay inilabas ni Diaz ang kanyang opinyon tungkol sa mga pahayag na ito ni Vargaz.
“Nako, Alfred Vargas! Totoo bang mahal mo ang industriya mo? Di ko gets logic mo…
“Nag-abstain ka sa botohan ng prangkisa ng (ABS-CBN), tapos nakikipaglaban ka ngayon para sa mga filmmakers na karamihan diyan, nagwo-work sa TV industry,” pagkukuwestyon pa ni Diaz kay Vargaz.
Ang opinyong ito ni Diaz patungkol kay Vargaz ay sinuportahan din ng mga netizen na sang-ayon din umano sa ipinupunto ng komedyante.
Matapang pang ani ng ilan sa mga ito, ‘balimbing’ umano si Vargaz at ‘pagpapapogi’ lamang umano sa politika ang ginagawa.
Heto ang ilan pa sa mga naging opinyon ng mga netizen tungkol dito:
“Balimbing rin siya, parang si Cayetano na rin. Ngayon pa siya naawa sa mga filmmaker. Need ng vote sa ABS-CBN, hindi niya nagawa. Makasarili lang talaga siya.”
“Di niya alam anong gusto niya sa buhay or kasi nakatanggap siya kaya nag-abstain siya.
Ambot sa kanya.”
“Kung saan safe, ‘dun sila magpapapogi. Politiko ang tawag d’yan.”
Source: Kiat Media
0 Comments