Minsan ang ibang tao dahil hindi naman afford ang makabili ng mga brand new na kotse o sasakyan kaya bumibili na lamang sila ng mga 2nd hand na auto dahil mas mura ang presyo ng mga ito.
Ngunit ang isang lalaki na ito na nakabili ng 2nd hand na sasakyan ay tila naka-jackpot matapos matagpuan ang limpak-limpak na pera sa loob ng kanyang kotse.
Matapos na mapa sakanya ang nasabing kotse, isang araw ay bigla na lamang nasira ang power window ng kanyang sasakyan. Kaya naman bago niya ito dila sa isang mekaniko, ito ay kanyang inimbestiga at sinubukang hanapin ang problema.
Unti-unti niyang kinalas ang door panel at saka dahan-dahang tinanggal ang plastic liner na nagpoprotekta sa loob ng pinto. Ngunit laking gulat niya nang may nakita siyang isang misteryosong itim na bag na naka-siksik sa gilid ng door frame. At tinatayang ito ang dahilan kung bakit ayaw gumana ng kanyang power window.
Bigla siyang kinabahan sa kanyang nadiskubre at dahil na-curious siya rito kaya binuksan niya ito. Ang bag ay puno ng kung ano kaya naman hindi rin niya matiyak kung paano ito napagkasya sa gilid ng pintuan.
Matapos mailabas ng buo ang bag ay inilabas niya ang mga laman nito na parang hugis bricks at tila balot na balot ng duct tape. At noong binuksan niya ito isa-isa ay laking gulat niya sa nilalaman nito na limpak limpak na salapi.
Ang bawat balot ay naglalaman ng mga bundles ng pera na may iba't ibang denominasyon. Hindi na rin binanggit kung magkano ang total ng kanyang perang natagpuan para na rin sa security purposes. Ngunit tinitiyak na nagkakahalaga ito ng malaki kung ibabase sa denominasyon nito na $20 at $10 bills.
Dahil ang mga kahina-hinalang pera ay natagpuan sa isang police-confiscated vehicle, pinili ng lalaki na hindi na makilala pa.
Source: Keulisyuna
0 Comments