Maging patas tayo! Mayor Isko Moreno sinupalpal si Karen Davila: “Nakuha lang ang Atensyon niyo dahil White Sand! Paano kung Black Sand?”

Maging patas tayo! Mayor Isko Moreno sinupalpal si Karen Davila: “Nakuha lang ang Atensyon niyo dahil White Sand! Paano kung Black Sand?”

Kamakailan lang ay naging usap usapan sa social media ang tungkol sa isang video na kung saan ininterview ni Karen Davila si Mayor Isko Moreno tungkol sa rehabilitasyon sa Manila Bay.

Naging viral sa social media ang panayam ni ABS-CBN anchor Karen Davila kay Mayor Isko Moreno na tila nasupalpal ang news anchor sa mga diretsahang sagot ng alkalde.

Sinagot rin ng alkalde ang mga kritiko lalo na ang ilang mambabatas na pumupuna sa rehabilitasyon sa Manila bay na kung saan sinabi ng alkalde na noong 2019 pa inaprobahan ang budget para sa proyekto at hindi ito nangyari agad agad.

“So these lawmakers, I understand their feelings. But remember, they are part of the approval of the 2020 budget last year and it was presented to them one way or another” saad pa ni Mayor Isko.

“Third, timeliness. Eh two years ago pa ito e. Hindi ito nasimulan nang isang linggo, isang buwan o nung January, this is two years ago, so it didn’t happen overnight. It’s just that your attention or some other individuals’ attention was called when it is white sand. But what if it is black sand?” dagdag pa nito.

Matatandaan na umani ng iba ibang reaksyon mula sa publiko lalo na sa mga oposisyon at kritiko ng administrasyong Duterte ang tungkol sa isinasagawang rehabilitasyon sa manila bay at ang pagbubuhos ng white sand sa naturang lugar.

May mga ilang kilalang personalidad rin ang pumuna sa naging hakbang na ito ng gobyerno dahil napaka insensitibo umano na gawin ang pagbubuhos ng white sand lalo na ngayong nahaharap sa pandemya ang bansa.

Ayon pa sa mga bumabatikos, dapat ay ipinangbili na lamang umano ang pera na inilaan sa white sand ng pagkain para makatulong sa mga mahihirap na naapektuhan sa pandemya.

Ngunit marami pa rin sa publiko ang suportado ang ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay na kung saan isa umano itong napakagandang proyekto para mas lalong mapaganda ang naturang lugar.

How to 🔥 yourself, in your own show

How to 🔥 yourself, in your own show

Posted by Philippines In Progress on Thursday, September 10, 2020

Source: News Clicks

Post a Comment

0 Comments