MUST-READ: Pito sa Pinaka Nakakaantig na mga Kwento ng Pag-ibig sa Kasaysayan ng Bansa


1. Jose Rizal at Leonor Rivera

Ang kwento ng pag-iibigan nina Jose Rizal at Leonor Rivera ay nakasulat sa maraming mga libro ng kasaysayan kung saan nakasaad na itinuturing ng ating pambansang bayani si Leonor bilang kanyang pinakamamamahal sa lahat.

Kahit na sila’y magpinsan, nahulog ang loob nilang dalawa sa isa’t-isa. Ngunit, dahil sa pagiging filibustero ni Jose ay pinaglayo ang mga ito ng mga magulang ni Leonor. Sa kabila nito, nagpalitan pa rin ng sulat ang dalawa kahit nasa ibang bansa si Jose.


Ngunit, nasawi sa pag-ibig ang ating pambansang bayani nang maikasal sa ibang lalaki si Leonor. Sa panganganak ni Leonor sa kanyang ikalawang anak, hindi inaasahan na ito ay pumanaw. Ngunit, bago pa man ito ay hiniling na ni Leonor na mailibing kasama niya ang mga sulat nila noon ni Jose.

2. Flaviano Yengko

Si Flaviano Yengko ay isa sa pinakabatang heneral noong panahon ng rebolusyon. Ngunit, noong una ay ayaw umano ni Flaviano na maging bahagi ng rebolusyon. Nakatuon kasi dati ang atensyon nito sa pag-aaral niya ng abogasya.

Habang nag-aaral, umibig ito sa isang CaviteƱa na nagkataong may gusto rin sa kanya. Ngunit, ayaw ng ama ng babae kay Flaviano dahil hindi umano ito marunong humawak ng baril at hindi nito maipagtatanggol ang kanyang anak.

Dahilan ito upang sumali si Flaviano sa rebolusyon at maging isa sa mga pinakamagaling na heneral na kinilala pa ni Aguinaldo. Ngunit, sa nangyaring ‘Battle of Salitiran’, lubhang nasugatan si Flaviano.


Sa ospital, ang babae na kanyang iniibig ang siyang nag-alaga kay Flaviano ngunit, dahil sa kanyang mga natamo ay pumanaw ito sa edad lamang na 23.

3. Don Mariano Ledesma Lacson at Maria Braga

Ang kwento ng pag-iibigan ni Don Mariano Ledesma Lacson at Maria Braga ang siyang nasa likod ng sikat na ‘The Ruins’ ng Talisay City.


Nang pumanaw si Maria habang ipinagbubuntis nito ang kanilang ika-11 na anak, nagpatayo si Don Mariano ng isang mansyon (The Ruins) sa kanyang malawak na lupain bilang simbolo ng kanyang wagas pagmamahal sa kanyang asawa. Ang mansyon na ito ang tinagurian ngayong ‘Taj Mahal’ ng Pilipinas.

4. King Norodom I at Josefa Roxas

Habang bumibisita sa bansa ang Hari ng Brunei na si King Nordom I, umibig ito kay Josefa Roxas y Manio, na bahagi ng prominenteng pamilya ng mga Roxas. Niligawan ng hari si Josefa at binigyan pa ito ng isang mamahaling regalo: isang ginto na kasing laki ng prutas na mangosteen.

Ngunit, dahil umano sa kanyang mga tungkulin at relihiyon, tinanggihan ni Josefa ang pag-ibig ng hari.


Bunga nito, mag-isang umuwi sa Brunei si King Nordom I ngunit, iniwan nito sa babaeng iniibig ang kanyang mamahaling regalo.

5. Manuel Quezon at Aurora Aragon

Noon pa man, ‘ladies man’ na umanong maituturing si Manuel Quezon. Ngunit, nagbago ang lahat ng ito ng makilala niya si Aurora Aragon.

Ayon sa kasaysayan, habang nililigawan si Aurora ay minsan pa umanong dinala ni Manuel ang National Artist na si Atang de la Rama para lamang kantahan ang kanyang nililigawan.


Upang mapatunayan na iniibig din siya ni Aurora, minsan ay bumisita si Manuel dito habang mayroong suot na ‘orrange blossoms’ sa kanyang leeg. Nang mapansin ito ni Aurora, sinabi rito ni Manuel na ikinasal na ito sa ibang babae.

Umiyak umano nang umiyak si Aurora sa harapan ni Manuel sa pag-aakalang ikinasal na nga ito sa iba. Dito na napatunayan ni Manuel na mahal din siya ng babaeng kanyang iniibig.

Nang pumanaw si Aurora limang taon makalipas ang pagpanaw ni Manuel, inilibing ito katabi ng libingan ng kanyang asawa sa Quezon Memorial Shrine.

6. Elpidio Quirino at Alicia Syquia

Isang gabi, sa isang pagtitipon sa mansyon ng mga Syquia, biglang dumilim ang paligid. Nang bumalik ang ilaw sa mansyon, nagulat ang mga tao na makita ang 16 taong gulang na si Alicia Syquia habang yakap ang 31 taong gulang na si Elpidio Quirino. Dahil dito, agad na ikinasal ang dalawa.



Ngunit, kahit na hindi inaasahan ang kanilang pagpapakasal, ang pag-ibig na mayroon sina Elpidio at Alicia ay hindi matatawaran. Patunay dito ang palitan ng sulat ng dalawa habang si Alicia ay nanatili sa Vigan at si Elpidio naman ay nasa Maynila. Ang pagliligawan ng dalawa ay naganap matapos ang kanilang biglaang kasalan.

Ngunit, sa isang trahedya ay pumanaw si Alicia pati na rin ang tatlo sa kanilang anak ni Elpidio. Bilang patunay sa kanyang wagas na pagmamahal sa asawa, si Elpidio ang naghukay ng mga libingan ng mga ito sa Paco Cemetery at isa-isang dinala ang mga katawan nina Alicia at kanilang mga anak dito.

Hindi na muli pang nag-asawa si Elpidio.

7. Salvador Araneta at Victoria Lopez

Ang pag-iibigang ito nina Salvador Araneta at Victoria Lopez ay makailang beses sinubok ng maraming mga trahedya at giyera.

Noong 1933, itinayo ng mga Araneta ang kanilang mansyon na mayroong 33 kwarto sa Mandaluyong. Pingalanan nila itong Victoneta. Ngunit, nang magkaroon ng giyera, kinuha ng mga Hapon ang kanilang mansyon kaya napilitan ang mga Araneta na ibenta ang kanilang mga gamit upang mabuhay matapos iwan ang kanilang mansyon.


Matapos nito, tuluyan nang binomba ang Victoneta sa giyera. Gayunpaman, hindi nagpatinag ang mga Araneta at agad bumangon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga negosyo na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin.

Ngunit, panibagong pagsubok na naman ang hinarap ng mag-asawa sa pagpapatupad ng Martial Law. Kaya naman, habang nasa ibang bansa ay magkasamang nagtayo ulit ng negosyo ang mga Araneta. Taon lamang ang pagitan ng pagpanaw nina Salvador at Victoria noong 1980’s.

Source: esquiremag

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments