Mayroon talagang mga tao na pagkakatiwalaan mo na ay hindi marunong magpahalaga napakasakit siguro isipin na ginawaan mo na ng kabutihan ngunit iba parin ang isusukli sa iyo.
Kung minsan nga ay kahit ang mismo natin kapamilya o miyembro ng iyong angkan ay hindi natin makitaan ng magandang ugali kaya nga ang iba ay mas pinipili na lamang mag tiwala sa iba.
Nguit talagang hindi maiiwasan na mayroong taong sadyang hindi nag papahalaga sa mga kabutihan na ibinibigay sa kanila.
Katulad na lamang ng isang tenant na walang puso na ito, Matapos siyang hindi singilin ng halos dalawang buwan na renta dahil sa pandemiya ay nagawa pa rin nitong mag-iwan ng madaming basura at kalat sa kanyang kwarto.
Sa isang article ng Daily Mail, ay inilabas nito na galit na galit ang isang landlord matapos nito makita ang kanyang apartment na nagmukang tapunan ng basura.
Nagkalat umano ang halos 500 piraso ng bote ng alak at libo-libong sigarilyong gamit na at ang upos nito at maging ang frying pan ay meron din.
Ayon sa Landlor na si Mr. Yang, Hindi na nga raw niya siningil ang tenant nito kahit na may utang pa itong $420 o P21,000 noong December at January dahil wala raw itong pera.
Pagdating naman daw ng buwan ng Marso ay nangako ang tenant na magbabayad sa buwan ng Mayo.
Dumating daw ang Mayo 14 pumunta si Mr. Yang sa kanyang apartment para singilin umano ang kanyang tenant. Ngunit pagdating niya daw dito ay walang tao buti na lamang ay dala daw niya ang extra na susi kaya nakapasok ito.
Laking gulat naman ni Mr. Yang sa pagbukas niya ng pinto ng apartment ay bumungad sa kanya ang napakarumi at tila basurahan na ang kanyang apartment.
Ayon naman sa report, ang 20-year old na tenant ay nawalan daw umano ng trabaho dahil sa pandemya. Ngunit hindi ito pinaalis ni Mr. Yang dahil nauunawaan niya ito at naawa siya dito.
Dagdag pa ni Mr. Yang sa tagal niyang nag papa-upa ng bahay ay ngayon lamang sa kanya nangyari ang ganito karumi at dugyot at ngayon lang siya nakakita ng walang utang na loob na tenant.
Samantala, Pinatawad naman ni Mr. Yang ang kanyang tenant at ang tanging hiling lamang nito ay wag na wag ng uulitin yon kahit kanino pa man.
Source: Keulisyuna
0 Comments