Kamakailan lang ay naging usap usapan sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo tungkol sa rehabilitasyon na isinagawa sa Manila Bay.
Ayon kay Robredo, wala umanong problema na pagandahin ang Manila Bay dahil makakatulong umano ito sa turismo, ngunit dapat ay inisip umano ng gobyerno ang timing ng pagsasagawa nito.
“Iyong sa akin lang, okay naman sa akin na dahil kung palagay nila na makakatulong iyon sa pagpapaganda ng Manila Bay, wala ako doon problema.” ayon pa sa pangalawang Pangulo ng bansa.
“Pero iyong problema ko doon iyong timing. Iyong timing na iyong malaking halagang iyon, puwede sanang ni-realiagn muna sa pangangailangan ngayon.” dagdag pa nito.
Dahil sa naging pahayag na ito ni Robredo, agad na bumwelta ang kilalang blogger at abogado na si Atty. Bruce Rivera na kung saan sinabi nito na wala umanong ‘sense’ ang sinasabi ni Robredo.
“Ewan ko ba, hindi ko kailanman nakikitaan ng sense itong si Madame. Tapos bilib na bilib ang mga kampon niya sa kanya.”
“Una, akala ko ba ayaw niya sa white sand kasi overpriced daw, nakakatakot ang dolomite at madaming dahilan. Tapos wala na siyang problema. Kaplastikan. Sabihin mo, lahat ng hanash mo, may sagot ang DENR kaya tameme ka.” dagdag pa nito.
BASAHIN ang kanyang facebook post sa ibaba:
TIMING NG INA MO
Ewan ko ba, hindi ko kailanman nakikitaan ng sense itong si Madame. Tapos bilib na bilib ang mga kampon niya sa kanya.
Una, akala ko ba ayaw niya sa white sand kasi overpriced daw, nakakatakot ang dolomite at madaming dahilan. Tapos wala na siyang problema. Kaplastikan. Sabihin mo, lahat ng hanash mo, may sagot ang DENR kaya tameme ka.
Ngayon, timing na lang ang problema mo. Ano nga ba ang proper timing? So, kahit nakaschedule ang public works, huwag ipagpatuloy dahil may pandemic. Turuan mo nga kami paano magrealign ng 2019 budget sa 2020 fiscal year? Tapos, nasa Manila Bay na ang buhangin. Sana nuon pa lang sa panahon ng pagbili nito nagreklamo kayo. Kasi, kahit maglulupasay pa tayo na inis, andyan na yan. Alangan naman hukayin natin uli at ibalik sa Alcoy. Sige, sa susunod na oorder ng buhangin, hindi natin ipapadeliver kung may pandemya kasi sabi ni VP, pangit ang timing. Gayahin ba ang estilo nila na ibigay ang Dengvaxia sa panahon ng eleksyon sa tatlong rehiyon na pinakamaraming botante. Yan ang timing ng Dilawan.
Kung bumatikos dapat may konkretong solusyon. Anong specific na pangangailangan ang dapat tugunan na may kabuluhan? Kasi, patapos na ang project at nung nagbudget hearing, wala kayong objection at naipasa yan.
Kasi ang totoo, wala kayong malasakit. Kung totoong may care kayo, dapat dun sa budget hearing ng DPWH at DENR kayo nagtalak sa House. VP ka na nun at may kopya ka ng GAA. Bakit after the fact na kayo nagreact at pinapatigil niyo nung patapos na at naimplement na ang appropriation.
Madame, kayo ang hindi proactive enough. Kung totoo ang sinasabi mo na di maganda at may irregularity ang Manila Bay white sand, kayo ang nagkulang ng aksiyon kasi late na late ka na.
IKAW ANG MALI ANG TIMING.
TIMING NG INA MOEwan ko ba, hindi ko kailanman nakikitaan ng sense itong si Madame. Tapos bilib na bilib ang mga…
Posted by Bruce V. Rivera on Saturday, September 26, 2020
Source: News Clicks
0 Comments