TRENDING: Isang Babae, Nasabunutan ng Asawa ng Lalaking Isinama Nito sa Kanyang ‘Ice Bucket Challenge’


Hindi alam ng mga netizen kung maaawa o matatawa umano sila sa nangyari sa babaeng ito sa isang viral video na nasabunutan dahil sa ginawa nitong challenge para sa kanyang vlog.

Trending ngayon sa social media ang video na ito kung saan, makikita ang biglaang pagsugod ng isang babae upang sabunutan ang isa pang babae na akala umano nito ay mayroong ginagawa sa kanyang nobyo o asawa.

Bago ito, makikita sa video ang isang babae sa labas ng isang convenience store. Kausap ang kanyang kasama na siyang humahawak sa kamera, isang lalaki ang nilapitan nito upang humingi ng pabor na maisama sa kanilang vlog.

Ayon sa babae, gagawa umano sila ng ‘ice bucket challenge’ at ang naturang lalaki umano ang magbubuhos sa kanya ng tubig mula sa isang balde na dala nila.


Pumayag naman ang naturang lalaki sa hiling ng mga ito at hinintay ang hudyat ng babae na simulan na ang kanila umanong video.

Sa video, makikita na hindi agad makapagsimula ang naturang babae dahil nahihiya umano ito sa paligid kaya medyo natagalan bago tuluyang naibuhos sa kanya ang tubig.

Ngunit, hindi nito inaasahan ang mga sumunod na pangyayari kung saan, isang babae ang agad sumugod dito at siya ay sinabunutan.

Makikita sa video na nataranta ang babaeng kumukuha ng video at ang kasama nito sa nangyari kaya pinigilan nila ang naturang babae at sinubukang magpaliwanag. Ganun din ang ginawa ng lalaki sa kanyang nobya, o asawa, at inilayo ito mula sa dalawang babae.



Naputol sa bandang ito ang naturang video dahil sa nagkagulo umano ang paligid dahil sa nangyari. Sa sumunod na video clip, sinabi ng babae sa video na umalis na umano ang lalaki at ang umano’y misis o nobya nito.

Ipinaliwanag niya na umano sa naturang babae ang nangyari kaya sana raw ay hindi tuluyang mag-away ang dalawa. Dagdag pa nito, hindi niya umano gaanong mailabas ang kanyang sasabihin dahil nanginginig pa raw ito mula sa biglaang pangyayari na iyon.

Agad naman na naging trending sa social media ang video na ito kung saan, inulan ito ng iba’t-ibang mga komento mula sa mga netizen. Dito, kapansin-pansin na nasa panig umano sila ng babaeng sumabunot dahil hindi rin daw nagustuhan ng mga ito ang babaeng nasa video na may pakana nito.

Inulan ng pambabatikos ang naturang babae at tumanggap ng hindi magagandang mga salita sa mga netizen. Ayon sa mga ito, kasalanan umano ng naturang babae dahil bakit ang naturang lalaki pa umano ang napili nito na maging bahagi ng kanyang vlog.



Heto pa ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen tungkol dito:

“Kita mo na ngang nagdidilim na paningin nung babae, hahawak ka pa talaga sa lalake. Mabuti sa kanya onting sabunot lang. ‘Pag sakin ‘yan, sapak sa mukha de kaladkad pa.”

“Dapat ‘yang nagvideo sa’yo, ‘yan nalang sana inutusan mo magbuhos sayo. Kahit sino namang asawa, nagpapakita ka kasi ng maling motibo.”

“Buti nga sayo. Always think before gumawa ng content kasi. Papansin ka kasi. Deserve mo yan. Sana lesson learn na para sayo.”

“Atat na nga si kuya ibuhos ‘yung tubig, dami mo pang arte. Naabutan ka tuloy. At in-upload pa talaga. Magtrending lang para kumita. Yayamanin ka na nga te. Ang dami sa gilid na lalaki, ‘yung gwapo talaga pinili.”


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments