Kay sarap mag bakasyon sa mga lugar na dinadayo talaga kasama ang iyong buong pamilya.
Kasama sa mga ito ay ang pagkain sa mga sikat na kainan, pamimili ng mga pasalubong, pagkuha ng litrato at syempre pagtingin tingin ng mga bagay na hindi pangkaraniwan.
Pamilyar naman siguro ang lahat sa tinatawag na window shopping na kung saan ay maglilibot libot upang maningin lamang ngunit walang balak bumili.
Ang pamilya na mula sa bansang China na dumayo sa isang Jade Market sa Ruili City, Yunnan Province sa Western China.
Isinalaysay ng Daily Mail na tumitingin tingin lang daw ang buong pamilya marahil ay namamangha sila sa mga iyon
Tiningnan ng ginang ang bracelet at sa hindi inaasahan ay nakabasag ito ng isang Jade Bracelet na may halagang $44, 110 o mahigit 2.2 million pesos.
Nadulas daw ito sa kaiyang mga kamay at nahulog sa sahig. Ang Jade Bracelet ay nahati sa dalawa. Nang malaman ito ay nanlumo ang ginang at nawalan ng malay.
Hindi rin nanatling walang imik ang may- ari pagkat hidi naman biro ang presyo ng kaniyang tinitinda at kinakailangan nila itong bayaran.
Noong una ay sinabi ng pamilyang magbabayad ito ng halagang 500,000 pesos ngunit tinanggihan ito ng may ari.
Mabuti sa huli ay nagkasundo sila sa presyong 1.3 million na babayaran ng pamilya bilang kabayaran sa bracelet.
Source: Keulisyuna
0 Comments