Isang lalake sapul sa camera habang ‘tumatae’ sa Manila Bay!
Kamakailan lang ay napabalita sa social media at pati na rin sa mga news outlet ang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay na kung saan binubuhusan ito ng white sand upang mas lalong gumanda ang naturang lugar.
Ngunit kahit anong sikap ang gawin ng gobyerno para malinis lang ang naturang lugar ay mayroon parin iilang tao ang patuloy na sumisira.
Katulad na lamang itong nakuha sa video sa mismong pagbisita ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang inspeksyunin ang naturang lugar.
Nadismaya si DENR Undersecretary Benny Antiporda sa kanyang nakita na kung saan nahuli nila ang isang lalake na tumata3 sa Manila Bay.
Matatandaan na gumasto ng milyon milyon ang gobyerno upang mapaganda lamang ang naturang lugar, at kasama na jan ang paglalagay ng white sand sa naturang lugar.
Agad na pinahuli ni Undersecretary Benny ang naturang lalake dahil sa ginawa nitong pag ‘ebs’ sa Manila Bay.
Humingi naman agad ang lalake ng despensa sa otoridad na kung saan ayon sa kanya ay kinakailangan niya lamang umano mailabas.
“Hirap na hirap kami kalilinis. Tinatehan mo? Bawal nga ‘yun eh kahit sa tubig ka tume,” sagot pa ni Usec Benny Antiporda
Matatandaan na umaani ngayon ng iba ibang reaksyon mula sa publiko ang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay lalo na ang pagbubuhos nito ng white sand sa naturang lugar.
Marami rin mga kilalang personalidad at mga kilalang oposisyon ang pumuna sa proyektong ito dahil ayon sa kanila malaking tulong na sana umano kung ang perang ginamit pangbili sa mga buhangin ay pagkain nalang ang ibinili.
Ngùnit marami pa rin sa mga netizen at publiko ang suportado sa ginagawang rehabilitasyon sa naturang lugar, dahil isa umano itong magandang proyekto upang mas lalong mapaganda ang naturang lugar.
Source: News Clicks
0 Comments