Tingnang maigi ang larawang ito ng isang larawan na ayon sa isang netizen ay nakakalason umano.
Sa isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Dennis Vera Catugas kamakailan lang, nagbigay ito ng babala tungkol sa halamang ito na umano’y parang asido kapag aksidenteng nakain at nakakalason.
Ayon kay Catugas, magdoble ingat umano mula sa halamang ito ang mga magulang na mayroong maliit na bata na maaari umanong aksidenteng maisubo o makain ang dahon ng naturang halaman.
Isang karanasan umano nito ang magpapatunay na pwedeng makalason ang nasabing halaman. Ang pangyayaring ito umano ay noong isang malikot na bata ang pumitas sa dahon ng halaman na ito at kanyang kinagat.
Nagulat na lamang umano sila nang hindi na matigil sa pag-iyak ang naturang bata.
“Beware… Lalo na sa mga bata. Based on our own exprience kanina lang 9:00 am.
“Konti na kami na ospital. May batang malikot sa bahay, si bebe CJ pumitas ng dahon sabay kinagat niya. After 2 seconds nag iiyak siya ng sobra. Naisip namin baka mapait kaya umiyak ang bata. Pero di siya tumgil, grabe iyak kahit ano gawin,” pagkukuwento pa nito.
Upang malaman kung ano nga ba ang dahilan kung bakit naiyak ng ganon ang naturang bata matapos kumagat ng dahon ng nasabing halaman, sinubukan din umano ni Catugas na kumagat sa dahon nito.
Matapos itong gawin, hindi niya umano maipaliwanag ang naramdaman nito sa mala-asidong lasa raw ng naturang dahon. Para umano siyang lumunok ng asido na halos hindi nito makayanan ang epekto.
“Out of curiousity, para malaman ko din dahilan ba’t sobra ang iyak nya, kumagat din ako ng konting konti lang. Parang asido yung nasa bibig ko na kumalat sa lalamunan ko na kahit ako na matanda di kaya ang naramdaman….
“Di ko ma explain ang nararamdaman ko nung time na yun. Ang malinaw lang sakin ay para akong nakalunok ng asido,” dagdag pa ni Catugas.
Ito umano ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang naging iyak nang naturang bata matapos nitong halos kainin ang dahon ng naturang halaman.
Ayon kay Catugas, kung siya umano na halos kinagat lamang ang naturang dahon ay hindi na maintindihan ang naging pakiramdam, sigurado umano ito na higit pa sa kanyang naramdaman ang iniinda ng naturang bata na halos kainin na ang dahon ng nasabing halaman.
Para mabawasan ang hindi magandang pakiramdam ng bata, agad umano nila itong pinainom ng gatas at pinakain ng asukal. Ganoon din umano ang ginawa ni Catugas sa kanyang sarili dahil halos hindi rin daw ito makalunok dahil sa naturang dahon.
Kaya naman, upang maiwasan umano ng iba ang naturang pangyayari, pinaalahanan ni Catugas ang mga tao na mag-ingat sa halaman na ito na umano’y delikado at nagdadala ng lason.
Dagdag paalala pa ni Catugas, kung maaari ay huwag na lamang umanong magtanim ng naturang halaman sa mga bakuran lalo na ang mayroong mga maliliit na anak.
Sa panahon ngayon na halos lahat ay nahuhumaling sa halaman, kailangan daw talaga ng dobleng pag-iingat sa pagpili ng mga halamang hindi lamang maganda ngunit ligtas din para sa lahat.
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments