Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa pagkakuha ni Pangulong Duterte ng 91% rating sa publiko.
Maraming taga suporta ng Pangulo ang natuwa sa naging survey dahil makikita umano sa survey na masaya at suportado ng publiko ang Pangulo.
Ngunit hindi rin ito nakaligtas sa isang kritiko ng administrasyong Duterte na si Jover Laurio o mas kilala sa tawag na Pinoy Ako Blog.
Ayon pa kay Laurio, kaya umano nakakuha ng mataas na rating ang Pangulo dahil ang mga sumagot umano dito ay ang mga nabigyan ng ayuda.
Kaya naman hindi umano ito imposible na makakuha ng 91% rating ang Pangulo kung ang mga sumasagot sa survey ay ang mga tumanggap na ng ayuda mula sa pamahalaan.
Isa lamang umano itong patunay na dapat bigyan ng tamang impormasyon ang Publiko upang hindi sila masilaw sa panandaliang saya.
“So kaya pala. Dahil sa ayuda. 91% ng mga sumagot ay nakatanggap ng ayuda. Can’t blam3 them for answering na satisfied sila.”
“What we can do is to educate them. Na huwag masanay sa panandaliang saya. We deserve a functioning president. We deserve a competent government. ” saad pa ni Pinoy Ako Blog.
Source: News Clicks
0 Comments