Bea Alonzo, Ipinasilip sa Publiko ang Kanyang Nakakamanghang Bahay

Ikinamangha ng mga netizen ang modernong bahay na ito ng aktres na si Bea Alonzo sa Quezon City. Sa kanyang vlog, nagbigay si Bea ng isang virtual house tour sa naturang bahay na walong taon na niyang tinitirhan.

Ayon kay Bea, kaka-renovate pa lamang umano ng kanyang bahay at ibang-iba ito sa disenyo nito dati. Ngayon, maaliwalas at mala-hotel kung titingnan ang bahay ni Bea na magiliw niyang ipinakita sa publiko.

Habang ginagawa ang house tour, napansin ng mga netizen ang umano’y hilig ni Bea sa mga gawang Pilipino o local products. Ito ang isa sa pinakanagustuhan ng mga netizen sa house tour ni Bea dahil nakakatuwa umano ang pagsuporta ng aktres sa ating mga local furnitures at local artists.

Sa unang bahagi ng kanyang house tour, ipinakita ni Bea ang unang palapag ng kanyang bahay kung saan makikita ang kanyang office, powder room, dining area, at ang kanyang kusina na ayon kay Bea ay siyang pinaka ginagamit niyang area sa bahay.

Isa naman sa pinakamagandang bahagi ng bahay ni Bea ay ang kanyang pool area kung saan makikita ang kanyang ‘lanai’ na ginawa na ring art studio ni Bea. Pagbabahagi ng aktres, dito umano niya ginagawa ang pagpipinta na nakakapagpa-relaks sa kanya.

“I am not a painter. I am not good at painting but I do it just to relax and to relieve my stress… and it’s been doing the job very well,” saad pa nga ni Bea.

Sa ikalawang bahagi ng kanyang house tour, nilibot naman ni Bea ang mga netizen sa ikalawa at ikatlong palapag ng kanyang bahay.

Sa pagpasok pa lang sa 2nd floor ng kanyang bahay ay bubungad na ang family wall ni Bea kung saan, makikita ang mga larawan ng importanteng mga tao sa kanyang buhay.

Matapos nito, ipinakita ni Bea ang kanya mismong kwarto kung saan sumailalim din umano sa renovation. Pagkukwento pa ni Bea, dati umano ay maliwanag ang kulay sa kanyang kwarto ngunit ngayon ay mas pinili niyang maging simple ito at mas ‘dark’ ang kulay.

Ipinakita niya rin dito ang kanyang banyo at walk-in closet. Mayroon ding pasilip ang aktres sa koleksyon niya ng mga perfume at pasilip na rin ng kanyang mga damit, bag, at sapatos sa kanyang walk-in closet.

Katabi naman ng kwerto ni Bea ang kanyang guest room na umano’y dating kwarto ng kanyang kapatid noong tumitira pa ito sa bahay niya. Madalas umano sila nitong tumambay dati sa balcony ng kanyang bahay kung saan konektado ang kanilang mga kwarto.

Sa ikatlong palapag naman ng bahay ni Bea makikita ang kanyang family room. Dito umano sila madalas tumambay ng kanyang pamilya at mga kaibigan kung saan madalas silang nagvi-videoke at nanonood ng pelikula. Dito rin makikita ang mini gym ng aktres na umano’y dating yoga studio.

Ayon sa mga netizen, ang bahay ni Bea ay ibang-iba umano sa bahay ng mga tipikal na artista dahil nararamdaman umano nila na isa talaga itong tahanan. 

“We should not focus on the theme that much but, we should focus on how your home makes you feel,” pagbabahagi pa nga ni Bea tungkol sa pagdidisenyo ng bahay.

Pinuri rin nila ang pagiging totoo ni Bea at ang pagiging mapagkumbaba umano nito sa kabila ng lahat ng kanyang mga naabot.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments