Isang Pinay OFW, Sinurpresa ng Kanyang Amo ng Limpak-limpak na Pera

Napaiyak na lamang ang Pinay OFW na si Avelina nang matanggap ang espesyal na regalo ng kanyang amo na isang sikat na Australian vlogger. Nakatanggap lang naman ito ng isang kahon ng pera na sapat na para mapag-aral ang kanyang anak at makapagpatayo ito ng bahay.

Ayon sa vlogger na si Alexandra Mary Hirschi o mas kilala bilang si Supercar Blondie, nais niya umanong surpresahin ang espesyal niyang empleyado bilang sukli sa lahat ng pagsisikap at pag-aalaga na ginagawa nito sa kanya.

“Look at this guys. This is an entire college fund for a very special employee of mine…,” panimula pa ng vlogger sa kanyang inihandang surpresa.

Walang kaalam-alam si Avelina na tungkol pala sa kanya ang mangyayaring surpresa dahil ang alam lang nito ay mayroong gagawing documentary ang kanyang amo. Kasabwat pa dito ni Alexandra ang iba niya pang mga empleyado na tuwang-tuwa rin para sa ibibigay na regalo nito kay Avelina.

Ibinahagi din dito ng mga emplyado ng vlogger kung gaano si Avelina sa kanyang trabaho at kung paano ang pakikisama nito sa kanila.

“Avelina does not stop working. She’s a machine. She deserves every bit of this surprise…,” paglalarawan pa ng isa sa mga ito kay Avelina.

Nais din ipaalam ni Alexandra sa publiko kung gaano nito pinapahalagahan ang 50 taong gulang na ngayong si Avelina dahil sa maraming mga bagay na ginagawa nito para sa kanila.

“I just want to say she means so much to me. I couldn’t do what I do today without her. She’s been working with me for two and a half years and she does everything! 

“She runs around town doing errands. She does the PA and admin work. She even cleans the office… and she makes food for us all. She even takes care of our dogs when we travel. So she is so integral to the Supercar Blondie family,” natutuwa pang pagkukwento ni Alexandra.

Dito, pinasalamatan ni Alexandra ang kanyang espeyal na empleyado para sa mahigit dalawang taon na pag-aalaga nito sa kanila. Nang tuluyan nang ibigay ng vlogger ang kanyang supresa kay Avelina, naluha na lamang ang OFW at halos hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang amo. 

Nang buksan na nito ang kahon na iniabot sa kanya ni Alexandra, napanganga na lamang ito nang makita ang limpak-limpak na pera sa loob.

“I’m a millionaire, Sir! Oh my goodness,” ang naging reaksyon pa nga rito ni Avelina.

Pahayag naman dito ni Alexandra, ang perang kanyang ibinigay ay para umano sa pag-aaral ng anak ni Avelina na matagal na nitong pinag-iipunan. Makakapagpagawa na rin umano siya ng bahay mula rito kapag napagdesisyunan niya nang magretiro.

Nakuha pang magbiro dito ni Avelina at tinanong ang amo kung pinapauwi na raw ba siya nito. Natatawang sagot naman dito ng vlogger, kapag umuwi umano ito ay babawiin niya ang pera.

“No, I don’t want you to leave. If you leave me, I’m taking this back,” pabirong ani pa nga ni Alexandra.

Patunay lamang ito sa maayos at malapit na samahan ni Avelina at ng kanyang amo na labis ang pasasalamat sa kanya.

Panoorin dito ang buong video o vlog tungkol sa espesyal na surpresang ito para kay Avelina:


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments