Damong Makahiya Ibinebenta Sa Ibang Bansa Sa Halagang Php400


Dito sa Pilipinas ay napakarami nating mga halaman na kadalasan ay makikita lamang sa mga bakuran na nagtataglay ng napakaraming mga benepisyo tulad na lamang ng malunggay, bayabas at ang damong ligaw na makahiya. 

Kadalasan ay nakikita lang ang makahiya sa mga tabi tabi ng daan. Noong ay pinaglalaruan ito ng mga bata dahil kapag hinawakan ang dahon nito ay titiklop ito

Naging viral ang post sa social media ng netizen na si Than-Than Javier ng malaman niyang ipinagbebenta sa ibang bansa sa isang pet shop ang damong ligaw na ito. Narito ang kanyang post.

"They are selling sensitive (makahiya) plant in pet shop here and it cost 7.99$ that's almost 400 pesos... damo lang sa amin yan e."


Dahil dito, maraming netizens ang nagnais na magbenta na lang ng makahiya dahil kung sa ganitong halaga ay binibili ito ay tiyak na kikita ka. Narito ang ilang komento ng mga netizens.
 
"Benta na lang tayo ng ganito."

"Medicinal plant kasi yan kung hindi niyo alam kaya may halaga."

"Ang dami niyan sa likod ng bahay namin."

"This will happen soon enough pag naubos na sa mining ang kalikasan natin, na kahit maliit na puno worth a price na kasi wala na tayong fresh air na mahihingahan."


Isang netizen ang nagkomento naman sa bansang Portugal ay ibinebenta doon ng 15 euros o nasa halagang Php 960!

Ang halaman na makahiya ay ginagamit bilang isang herbal medicine sa panggagamot. Ipinaiinom ito sa taong may karamdaman tulad ng dysmenorrhea, ubo, hika, almoranas, diabetes. Ginagawa rin itong pampahid sa mga pasa at sugat.

Maaaring hindi natin pinapahalagahan ang mga halaman tulad ng makahiya dahil kung saan-saan lang naman natin sila nakikita. Pero kung bibigyan talaga natin ng atensyon ay tiyak na marami itong matutulungan sa mga taong may karamdaman

Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments