College Student, Nagpakamatay Matapos Hindi Tanggapin ng Guro ang Kanyang Module

Hindi na nakayanan pa ng college student na ito mula Clarin, Bohol ang hirap at ‘pressure’ na dala ng online at modular learning na sistema ngayon ng edukasyon.

Natagpuang wala ng buhay si Mark Anthony, isang mag-aaral sa kolehiyo, matapos hindi raw tanggapin ng guro nito ang kanyang module dahil ‘late’ niya na raw itong ipinasa.

Dahil sa mahinang internet connection, hirap si Mark Anthony na magawa sa oras ang mga ipinapagawa sa kanila ng mga guro. Nang magpunta umano ito sa paaralan upang magsumite sana ng kanyang module, tinanggihan ito ng guro dahil ‘late’ na raw ito at marami pang hindi nagagawa si Mark Anthony.

Pagdating nito sa bahay, matapos sirain ang cellphone at WIFI ay nagkulong umano ito sa kwarto at umiyak nang umiyak. Pinabayaan nalang din ito ng kanyang kapatid sa pag-aakalang magiging maayos lamang si Mark Anthony.

Ngunit, kinaumagahan, nagulat umano ang mga ito nang hindi na sumasagot pa sa Mark Anthony nang gisingin nila ito. Pagpasok ng kanyang kapatid sa kwarto, natagpuan niya na lamang si Mark Anthony na nakabulagta sa sahig at wala ng buhay.

Kwento ng kapatid ng biktima, sadyang mahina raw ang internet connection sa bahay ng kanilang pinsan kung saan nakatira ngayon ang mga ito. Kaya naman, kahit gustuhin ng kapatid ay hirap umano ito na magpasa ng mga proyekto sa itinakdang oras.

Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng biktima sa hindi inaasahang pagpanaw ng mag-aaral. Marami ang nanghihinayang sa buhay nito lalong-lalo na sa mga magulang ni Mark Anthony na marami pa sanang pangarap para sa anak.

Dahil sa pangyayaring ito, maraming mga netizen ang naghayag ng kanilang saloobin tungkol sa dapat raw ay pagbibigay ng mga guro ng mataas na pasensya at pang-unawa sa kanilang mga estudyante.

Hindi lahat ay mayroong maayos na internet connection o kagamitan para sa online class. Marami ring mag-aaral na may mas mabigat na pinagdaraanan kaya sana raw ay huwag masyadong maging mahigpit ang mga guro at paaralan sa mga projects at activity na ipinapagawa nito sa kanilang mga mag-aaral.

Para naman sa ibang mga estudyante, sana raw ay huwag maisipan ng mga ito na tapusin ang sariling buhay dahil lamang sa hirap na nararanasan nila ngayon sa online class at sa kanilang mga module.

Bago ang malungkot na pangyayaring ito, kabi-kabila na ang reklamo sa social media ng mga estudyante tungkol sa hirap ngayon ng sistema sa pag-aaral. Maliban sa pinansyal na pangangailangan para magkaroon ng internet, kalaban din ng mga ito ang ‘stress’ sa tuwing hindi nakakapasok sa klase o hindi nakakapasa ng proyekto dahil sa hindi maayos na signal.

Heto ang ilan sa naging reaksyon ng mga netizen tungkol sa malungkot na pagpapakamaaty ng mag-aaral na ito:

“Calling for teachers to be considerate naman. Parang di ka dumaan sa pagka-estudyante.”

“Bakit kasi pinagpipilitan ang online class. Alam naman na hindi talaga uubra tapos ‘pag late naipasa, hindi na tatanggapin. Kasalanan ba ng bata na mahina ang connection? Stress na para sa mga mgulang, stress pa sa mga bata.”

“Module tapos napaka-istrikto ng teacher. Tapos dagdagan pa ng mga tambak na lessons. Hindi po computer ang utak ng mga bata.”

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments