Walang pag-aalinlangan ang retiradong five-division boxing champion na si Floyd Mayweather na pangalanan ang sarili bilang ‘Greatest of all Time’ sa larangan ng boksing.
Sa isang panayam rito ni Club Shay Shay, ipinaliwanag ni Mayweather kung bakit nararapat ito sa naturang pagkilala sa pamamgitan ng pagkukumpara sa sarili sa iba pang kilalang mga boksingero.
“Out of all these guys in the history of boxing, I've accomplished more than any fighter in the history of boxing…
“How many world champions have Rocky Marciano beat? So we already know, I've beat more champions that's going in the Hall of Fame than he beat in his career period. So we're going to X him off. So he's 49-0 and I'm 50-0,” saad pa ni ‘Money’.
Maging ang itinuturing na isa sa pinakamagiting na boksingero sa kasaysayan na si Muhammad Ali ay hindi niya rin pinalagpas na sabihing mas lamang siya rito. Ani rito ni Mayweather,
“We're talking about accomplishments. Is Ali the same fighter that got beat by a fighter with seven fights? Leon Spinks beat Muhammad Ali when he only had seven fights… If we really tell the truth, Ken Norton really beat Ali all three times.
“Go back and look at the fights. We're just telling the truth and I love Ali. Sugar Ray Robinson? He had 200 fights? And I still beat more world champions than him.”
Nang tanungin naman kung bakit hindi madalas na naibigay sa kanya ang naturang pagkilala sa kabila ng paniniwala nito na siya ang GOAT sa boxing, diretsahan ang kanyang naging sagot.
“Jealousy. I speak my mind,” sagot ni Mayweather.
Hindi ito ang unang pagkakataon na hinirang ni Mayweather, 43, ang sarili bilang pinakamagaling sa lahat ng mga boksingero. Nang minsan din itong maging panauhin sa ESPN, inilagay ng boksingero ang kanyang sarili bilang pinakauna sa listahan ng maituturing nitong ‘GOAT’ sa boxing.
“He's beat more world champions than any other fighter in a shorter time and less fights than any other fighter… Landed punches at the highest percentage and took less punishment. He's been world champion 18 years in five different weight divisions,” saad pa nga nito tungkol sa sarili.
Sa limang boksingero na kanyang pinagalanan, kabilang ang kanyang sarili, para sa itinuturing niya pinakamagaling sa boksing, kontrobersyal na inilagay ni Mayweather si Ali sa panglima. Si Ali ang madalas na hinihirang bilang GOAT sa boxing at isa sa may pinakamalaking pangalan sa larangan.
Ngunit, walang pag-aalinlangan si Mayweather na ilagay sa panglimang pwesto ang ‘boxing legend’. Para kay Mayweather, hindi ito kumbinsido sa bilang ng mga naging panalo ng boxer.
“Ali, only one weight class and really lost to Ken Norton three times, What he did is he stood for a cause in an era when African Americans didn't stand up for their people,” paliwanag pa nito.
Bago magretiro, taong 2017 pa ang huling naging laban ni Mayweather kung saan, tinalo nito sa pamamgitan ng knockout si UFC featherweight and lightweight world champion Conor McGregor. Tinapos nito ang kanyang karera sa boksing ng may rekord na 50-0 kung saan 27 sa kanyang mga panalo ay knockout.
Source: gmanetwork
Source: Kiat Media
0 Comments