Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang alitan sa Kongreso lalo na sa Speakership dahil sa mga girian na nangyayari ngayon.
Kaya naman hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsalita tungkol sa naturang isyu.
Sa kanyang pinakahuling public address, sinabi ni Pangulong Duterte sa kongreso na ipasa ang naaayon sa batas ang pondo ng bayan para sa susunod na taon.
Sinabi rin nito na kung hindi umano ito ayusin ng kongreso, siya mismo ang lulutas sa problema. Nagsalita rin si Pangulong Duterte sa away tungkol sa liderato ng kongreso.
Dahil sa away sa susunod na liderato ng kongreso natatagalan ang pagpasa sa pondo sa susunod na taon.
“I am just, you know, appealing to you. Iyong upo nila dito, hindi sabihin na may balak ako. Gusto ko lang sabihin in one straight statement: Either you resolve the issue sa impasse ninyo diyan and pass the budget l3gally and constitutionally, ‘pag hindi ninyo ginawa, ako ang gagawa para sa inyo.”
“Hindi ako nananakot, wala akong ambisyon manakot, wala rin akong ambisyon na tatagal dito sa puwestong p*** i* ‘to na puro problema. Wala akong ano — wala akong hangarin. Basta sinasabi ko lang, if you do not solve the problem, then I will solve the problem for you.” saad pa ng Pangulo.
“Mamili kayo, either we have a — the positive development na maligayahan iyong tao, iyong amo natin — iyong amo natin palagi naka sa huli iyan. Mamaya na iyang amo natin, mamamatay na muna iyan o mabubuhay iyan, medisina lang iyan, tapos nakakalimutan natin. We always forget that there is something more higher than just delaying or maneuvering in Congress because everybody wants to be Speaker.” dagdag pa nito.
“I am not going to give a timeline. Hindi — mga diktador lang gumagawa ng ganoon. Gusto ko na ayusin ninyo, if and when I see that there will be a delay and it will result in the derailment of government service, I will, I said, solve the problem for you,” giit pa ng Pangulo.
Pres. Duterte, nagbabalang siya mismo ang kikilos para malutas ang isyu sa house speakership kung madi-delay ang pagpasa ng 2021 BudgetNagbabala si Pangulong Duterte na kung made-delay ang budget dahil sa agawan sa speakership nina Cayetano at Velasco, siya na mismo ang kikilos para malutas ito.Bisitahin ang www.gmanews.tv para sa iba pang mga balita.
Posted by GMA News on Thursday, October 8, 2020
Source: News Clicks
0 Comments