Kung hilig mo ang nagluluto, tiyak na maraming beses ka nang natalsikan ng mantika. Ngunit para sa iba, sa tuwing sila ay nagpiprito ng pagkain tulad ng isda ay natatak0t sila dahil masak!t ang matalsikan sa kamay at braso ng kumukulong mantika.
Hindi lamang ito nakakagulat kung hindi maaari ka pang mapaso at pwedeng magkaroon ito ng peklat o paltos sa iyong balat na matagal bago matanggal.
Tulad ng karamihan, marami ang naghahanap ng panangga upang maiwasang matalsikan ng mantika. at ang bawat isa ay may kanya-kanya rin style sa pagpiprito. Ngunit ang lalaking ito ay nakaisip ng isang napaka-resourceful na paraan na pwede ring gamitin ng iba.
Sa isang video na ini-upload ni E nois NASA, makikita ang isang matandang lalaki na ginagamit ang kanyang naisip na paraan upang hindi matalsikan ang kanyang kamay at braso habang siya ay nagpiprito.
Gamit ang lumang plastic bottle ng softdrinks, binutasan niya ito sa dulo at saka inilusot doon ang kanyang kamay at braso. Sa kabilang dulo naman kung saan ibinubuhos ang softdrinks ay nakalusot doon ang tinidor na kanyang ginagamit bilang pangluto.
Napaka-brilliant nga naman ng kanyang ideyang ito dahil bukod sa nare-cycle na niya ang mga basyong boteng plastic ay hindi na rin siya mag-aalala kung sakaling siya ay matalsikan ng kumukulong mantika dahil protektado ang kanyang kamay.
Maraming netizen naman ang natuwa at napahanga sa teknik na ibinahagi ng lalaki at tiyak na matutulungan daw sila sa susunod na sila ay magpiprito. Makakatulong rin daw ito upang maiwasang mapaso ang iyong kamay at magagamit din daw ito tuwing nagiihaw o nagba-barbecue.
Ngunit mayroon ding mga nabahala na maaari raw mag-melt ang plastic kung napasobrahan sa init.
Narito ang ilang comments ng mga netizens.
"That would definitely would keep you from getting your hands burned."
"WOW, this is great! you know what they say about the "mother of invention."
"Need this for cooking bacon. lol"
Source: Keulisyuna
0 Comments