Naging laman ng bawat kwento ang isang ginang mula sa South Cotabato matapos manganak daw ito ng di umanoy ahas. Ayon mismo sa balita ng Bombo Radyo Koronadal, di kapani-paniwalang umabot pa umano sa 2 talampakan ang haba ng nasabing ahas at mayroon pang ngipin na parang “piranha”.
Narito ang buong ulat mula sa Bombo Radyo Koronadal:
BOMBO NEWS EXCLUSIVE:
Ginang sa South Cotabato, nagsilang ng ahas
KORONADAL CITY – Usap-usapan sa ngayon ang pagsilang ng umano’y ahas ng isang 37 taong gulang na ginang sa isang bayan sa lalawigan ng South Cotabato.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal sa mga magulang ng ginang, nananatiling misteryo sa kanila ang nangyari sa kanilang anak at maging sila ay halos hindi makapaniwala na ahas ang nakuha ng hilot sa tiyan nito.
Una umanong nakaranas ng pagsusuka ang ginang hanggang sa lumala ang kondisyon nito, nangayayat at halos hindi na makakain dahil sa sobrang sakit na nararamdaman sa kayang tiyan.
Maging ang asawa nito na nagtatrabaho sa Maynila ang nagduda na buntis ang asawa nito dahil huli siyang umuwi noong Enero 5, at nasa kondisyong buntis na umano ang kanyang asawa.
Hindi malaman ng mga magulang ng Ginang kung saan sila lalapit sa kondisyon ng kanilang anak.
Tatlong ospital umano ang pinagdalhan sa Ginang at ang findings ng doctor ay buntis ito.
Nag-pregnancy test din umano ang ginang at isinailalim sa ultrasound ngunit hindi makumpirma ng doktor na bata ang nasa sinapupunan dahil pahaba ito.
Kaya’t pumunta na sa albularyo ang mga magulang ng Ginang.
Pitong albularyo umano ang nilapitan nila at ang panghuli ang siyang nagsabing kaya niya itong alisin sa tiyan ng Ginang.
Halos isang buwan din na nasa albularyo ang Ginang at noong Martes, alas 2 ng hapon, sa tulong ng isang hilot nagsilang ito.
Pinilit siya umanong mag-ere upang maipalabas ang ahas.
Nakapalibot ang mga magulang at mag-anak ng Ginang sa kama nito habang umiire siya kaya’t nakita nila ang paglabas ng ahas.
Nakalundag pa umano ang albularyo maging ang ina ng biktima habang umiiyak naman na naramdaman ng ginang ang paglabas ng ahas sa ari nito.
Umabot umano sa 2 talampakan ang haba ng ahas na may mga ngipin na parang “piranha”.
Buhay pa ito ng lumabas sa sinapupunan ng ginang.
Ang ina mismo ng ginang ang pumatay sa ahas sa pamamagitan ng pagtusok ng pinatalim na “bagakay” at sinunog ito.
Sa ngayon, nagpapagaling na ang ginang at humiling na hindi ipaalam sa publiko ang pangalan nito
Minabuti ng Bombo Radyo na itago ang identity ng biktima at pamilya nito dahil sa kahilingan nila sa Bombo News Team.
Nagpapasalamat naman sila sa Maykapal dahil ligtas na ito sa ngayon.
Source: Keulisyuna
0 Comments