Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?
Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks?
Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.
Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng kanyang tyan.
Nakayang alisin at bawasan ang gas na nasa loob ng tyan nito gamit ang tube na ipinadaan nila sa kanyang tyan.
Ayon sa mga doktor, ang nagsanhi sa pananakit ng kanyang tyan ang pagkain niya ng instant noodles kasabay ang carbonated drink. Ito ay dahil sa napakaraming carbon dioxide sa loob ng kanyang tyan at hindi ito nakayanan ng kanyang digestive system.
Ang nagpalala pa dito ay pagkatapos kainin ng lalaki ang instant noodles, agad itong natulog at hindi siya natunawan.
Sa isang research study, nag-eksperimento sila ng instant noodles na nakalagay sa isang ziplock bag at nilagyan nila ito ng carbonated drink. Matapos ang ilang sandali ay nagkaroon ito ng hangin sa loob hanggang sa lumobo ang ziplock.
Marahil ito ang nangyari sa loob ng tyan ng lalaking ito. Kaya naman nang ito ay nag-viral sa social media, maraming netizen ang nagalala at tumigil na pagsabayin ang dalawa.
Source: Keulisyuna
0 Comments