Bahay ni Paolo Ballesteros, Nagmistulang Higanteng Regalo

Maraming mga netizens ang namangha sa bagong palamuti na ito sa bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo. Nagmistula lang namang higanteng regalo ang bahay ng host, aktor, at komedyante dahil sa malaking pulang ribbon na animo’y nakabalot dito.

“Pasko na sa Antipolo!” ang ani pa ni Paolo tungkol sa kanyang bahay.

Ibinahagi ni Paolo ang larawang ito ng kanyang tahanan sa Instaram kung saan, agad itong umani ng mga paghanga at papuri galing sa kanyang mga kaibigan at mga nerizens.

Paskong-pasko na nga ang pakiramdam kapag tumingin sa bahay ng aktor na buhay na buhay ang disenyo para sa kapaskuhan.

Heto pa ang ilang komento ng mga netizen tungkol sa nakakatuwang disenyo ng bahay na ito ni Paolo:

“Ayaw pakakabog ng may ari ng balur!”

“Kelan ba buksan yan malaking gift na yan? Lol.”

“San ang house ni Paolo Balesteros? Ah dun po sa kanto yung may malaking ribbon na red! Happy holidays.”

“Grabe parang isang malaking regalo na yung bahay nyo kuya Pao. Pwede mangarolling?”

“Alam na kapag nakita mo ‘yan sa Antipolo, bahay na yan ni Paolo.”

“Brilliant idea… We need something like this to brighten the gloomy days we’re facing!”

Panahon din ng kapaskuhan nang tuluyang lumipat at tumira si Paolo sa bahay niyang ito noong 2018. Ito ang maituturing na ‘dream house’ ng aktor na siyang bunga ng kanyang ilang taong pagsisikap sa industriya ng showbiz.

‘Minimalistc-modern’ ang disenyo ng bahay na ito ni Paolo na ang karaniwang kulay ay itim, gray, at wooden colors. Madalas siyang magbahagi ng larawan nito sa Instagram na nagpapakita ng ilan sa mga selebrasyon ng kanyang pamilya sa naturang bahay.

Ayon sa ‘The Filipino Guide’, ang kinuha ni Paolo para magdisenyo ng kanyang dreamhouse ay sina architect Gerald Torrente at ang Electus Builders, Co.

Sa Rizal, Antipolo ang eksaktong lokasyon ng bahay na ito ni Paolo kung saan ilang kilalang celebrities din ang nakatira. Kapitbahay dito ni Paolo ang komedyante rin na si Pokwang na isa sa mga unang bumati kay Paolo nang lumipat na ito sa lugar.

Ilan pa sa mga celebrities na nakatira din sa Antipolo ay ang kanyang kapwa Kapuso star na si Ruru Madrid, ang aktres na si Julia Montes, at ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Bago maging kilalang aktor at host ng noontime show na Eat Bulaga, unang nakilala si Paolo bilang miyembro ng grupong ‘The Maneuvers’. Maliban sa pagiging isang aktor, komedyante, at host, isa ring kilalang impersonator si Paolo at modelo.

Konektado din si Paolo sa kilalang Filipino painter at National Artist na si Fernando Amorsolo na kanyang lolo at sa aktres na si Eula Valdes na kanya namang tiyahin.

Mayroong isang anak si Paolo sa dating girlfriend nito na si Katrina Nevada. Ito ay si Keira Claire na 11 taong gulang na ngayon.

Ilan sa mga proyekto na kanyang ginawa kung saan nakilala ito ng husto ay ang ‘Die Beautiful’ at ‘The Panti Sisters’. Naging bahagi rin ito ng ilang pelikula ng ‘Enteng Kabisote’.

Source: gmanetwork

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments