Misteyosong Babae sa Viral Video Dati ni Cesar Montano, Nakilala na ng Publiko

Tinawanan na lamang ng aktor na si Cesar Montano ang isang viral video nito dati kung saan, mayroong nahagip na isang babaeng hubad sa likuran nito.

Kung matatandaan, lumabas ang naturang viral video nang batiin ni Cesar ang isang kagawad sa Sta. Ana para sa kaarawan nito noon pang 2018. Nahagip sa video na ito ni Cesar ang isang hubad na babae. Saad pa nga rito dati ni Cesar,

“Happy birthday Kagawad Chris Morales of Sta. Ana. More power to you. Don’t forget na merong Cesar Montano na nagsu-support sa iyo, si Buboy. Love you, men. Happy birthday. God bless.”

Ngayon naman, nito lamang ika-26 ng Setyembre ay mayroon na namang isang babae ulit sa video greeting ni Cesar para sa isa niyang kaibigan. Ngunit, sa pagkakataong ito, humarap sa kamera ang babae at nagsalita pa kasama ni Cesar.

Ito ay ang ibinahaging video greeting ni Cesar para sa kaibigan at entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal. Ani dito ni Cesar,

“BFF, Happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, 'yan! I love you, BFF Dolly!”

Sa likod ni Cesar, makikita ang isang babae na kalaunan ay lumapit dito. Natatawang ani pa ni Cesar tungkol dito,

“BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?”

“Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!” natatawa namang sagot dito ng naturang babae.

“Next time, yung isa kong talent, available na. ‘Yon talaga, daring ‘yon. Next time na lang ‘yon. We love you, BFF Dolly Anne. God bless you and your entire family. We love you!” pagtatapos pa nga ni Cesar sa kanyang pagbati sa kaibigan.

Ang makahulugang biro na ito ni Cesar at ng babae nitong kasama ang umano’y kumpirmasyon sa mga netizen na ito nga ang parehong babae na nahagip na hubad dati sa video greeting ni Cesar.

Ayon sa mga ulat, ang babaeng ito na kasama ngayon ng aktor ay si Maria Socorro o Kat. Ito umano ang partner ngayon ni Cesar nang ilang taon at parehong babae na naging misteryoso sa mga netizen noong October 2018.

Ang paglantad at komportableng pagharap ng babaeng ito kasama si Cesar ay nagpapahiwatig umano na bukas at lantaran na sa publiko ang relasyon ng dalawa.


Base sa kanilang palitan ng biro at ekspresyon sa mukha sa naturang video, makikitang ginawa na lamang nilang katatawanan at biro ang dating video nito na pinagpyestahan dati ng mga nag-uusisang netizen.

Si Cesar ay dating kasal sa aktres na si Sunshine Cruz. Tuluyan nang annulled ang kasal ng dalawa noon pang Setyembre ng 2018. Mayroong tatlong anak na babae sina Cesar at Sunshine. Ito ay sina Angelina, 19, Samantha, 16, at Francheska., 14. 

Ang panganay ng mga ito na si Angelina ay nagsisimula na ring pumasok sa showbiz at madalas nagkakaroon ng mga guesting. Sa katunayan, nakapag-release na rin ito ng kanyang sariling album na self-titled.


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments