natagpuan nila si Othman na may hawak na 5 million Lebanese pounds ($3,400) in cash, at ang mas ikinagulat pa ng mga awtoridad ay ang makita ang deposit book na mula sa kalapit na bangko – na nagpapakitang mayroong higit $1 million ang babae sa kaniyang savings.
Fatima Othman. Tinitingnan niya lamang ang mga taong dumadaan habang ang kaniyang mga mata ay puno ng kalungkutan.
Mayroong walong miyembro ang pamilya ni Othman, subalit walang nakaaalam sa kanila tungkol sa kaniyang pera, at ang kaniyang mga naipon ang siyang patunay na walang sumasantala o nang-aabuso sa kaniya sa pamamagitan ng pagpipilit sa kaniya na magmakaawa.
Nang matagpuan ang labi ni Fatima Othman, isang disabled street beggar, sa isang abandonadong kotse sa Barbir district sa Beirut, inisip ng mga imbestigador na ito’y isang trahedya lamang sa “poor and homeless” na siyudad.
Ngunit ikinagulat ng mga internal security forces ang nangyari dahil natagpuan nila si Othman na may hawak na 5 million Lebanese pounds ($3,400) in cash, at ang mas ikinagulat pa ng mga awtoridad ay ang makita ang deposit book na mula sa kalapit na bangko – na nagpapakitang mayroong higit $1 million ang babae sa kaniyang savings.
Sinabi ni Brig. Gen. Joseph Musallem, direktor ng Internal Security Forces public relations divison, sa Arab News na namatay ang 52-anyos na si Othman dahil sa heart attack.
“Finding the money and the savings book was a big surprise,” ani Musallem.
Isang “well-known figure” sa Barbir district si Othman. Ang litrato kasi ng nasabing street beggar ay umani ng atensyon matapos siyang tulungang uminom ng isang sundalong Lebanese na naka-istasyon sa kalapit na ospital sa Barbir (dahil nga sa hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay o paa.). Matapos nito’y napuri pa ng isang army commander ang nasabing sundalo dahil sa kaniyang “compassion and humanity.”
Ayon sa isang sumulat ng isang artikulo tungkol sa nangyari sa pulubi, marami raw nag-“mocked begging” sa social media sa Lebanon at sinabing “derided it as a lucrative profession.” Ngunit wala raw mas nakakakilala kay Othman maliban sa nasabing manunulat.
Sa gilid ng kalsada kung saan umuupo ang nasabing babae – habang hindi niya naigagalaw ang kaniyang mga kamay dahil sa isang birth defect – nakuha niya ang simpatiya ng mga tao sa pagdaan ng mga dekada.
Hindi raw nagsasalita o nagmamakaawa ang babae. Bagkus, titingnan niya lamang ang mga dumadaang tao gamit ang kaniyang mga matang punong-puno ng kalungkutan.
Salaysay ng sumulat ng artikulo, nakatira raw siya sa distrito ng Ras Al-Nab’a, at dumadaan sa Barbir district araw-araw upang makapasok sa kaniyang paaralan, at nang tumagal ay patungo sa kaniyang pinapasukang unibersidad. Umuupo raw si Othman sa isang dyaryo sa gilid ng kalsada malapit sa isang coffee mill “in summer and winter.” Titingin raw ito sa kaniya at tatango, at saka raw niya tatanungin kung kumusta na ang pulubi. Sasagot naman daw ito ng “Alhamdulilah,” na nangangahulugang “Praise be to God.”
Ang distrito ng Barbir ay malapit sa mga front lines noong kasagsagan ng civil war sa Lebanon at naging target ng artillery, “especially during periods of calm when its gold market was crowded with people.”
Minsan daw natamaan si Othman nang shrapnel, subalit bumalik daw siya sa kaniyang puwesto nang may benda. Ayon pa rin sa sumulat ng artikulo tungkol sa kaniya, patuloy raw na pinanood ni Othman ang kanilang paglaki, at patuloy din daw nila itong pinanood habang ito’y tumatanda.
Noon raw isang linggo, nakita niya raw si Othman sa gilid ng kalsada malapit sa palengke. Ang buhok daw niya ay kulay puti at ang kaniyang mukha ay puno na ng mga kulubot. Nawala na raw ang kaniyang mga ngiti. At gaya raw ng kaniyang kadalasang ginagawa, naglagay siya ng barya sa kandungan ng pulubi – at kinuha niya ito sa pamamagitan ng kaniyang mga ngipin at inihulog sa loob ng isang bukas na black bag.
Matapos raw ng kamatayan ni Othman, nadiskubre ng mga security forces na mula raw siya sa bayan ng Ain Al-Zahab sa Akkar, sa hilagang Lebanon. Hinanap raw nila ang kaniyang kapamilya, at ang ilan sa mga kamag-anak nito’y kinuha ang kaniyang katawan pabalik sa kanilang lugar, at saka raw inilibing.
Mayroong walong miyembro ang pamilya ni Othman – ang kaniyang ina, dalawang kapatid na lalaki, at limang kapatid na babae.
Walang kaalam-alam ang kaniyang pamilya tungkol sa pera, at pinatunayan daw ng kaniyang savings “that nobody was exploiting Othman by forcing her to beg.”
Matapos hindi sabihin kaninuman ang tungkol sa pera dahil sa takot na mapatay, namatay raw si Othman “without enjoying the benefits of people’s compassion.
Source: Keulisyuna
0 Comments