Sa kabila ng hirap na pinagdaraanan sa panahon ngayon, basta’t marunong magsikap at dumiskarte ang isang tao ay kaya nitong itaiwid ang kanilang mga pangangailangan at patuloy na mabuhay.
Ganito ang aral na ipinapahiwatig ng isang viral na larawan sa Facebook kung saan, isang taxi driver ang nakunan ng larawan na mayroong dalang mini sari-sari store sa likuran ng kanyang taxi.
Habang namamasada, dumidiskarte rin si Manong sa pagtitinda ng iba’t-ibang mga pagkain at produkto sa kanyang mga pasahero at kasamahan sa trabaho. Dito, ibinahagi ng netizen na nagbahagi ng larawan kung paano naging isang magandang halimbawa at inspirasyon ang naturang taxi driver para sa lahat ng mga naghihirap ngunit nagsusumikap pa rin ng marangal.
“Pinagkaguluhan si kuya ng mga Paparazzi pagbukas ng likod ng kanyang taxi. (Akala ko talaga ako ang pinipicturan ng mga tao hahahaha!),” pagbabahagi pa ng naturang netizen.
Hindi kagaya ni Manong, nakakalungot isipin na kahit sa kabila ng hirap na dinaranas ngayon ng karamihan, mayroon pa ring iba na nagagawang manlamang ng kapwa imbes na maging instrumento para magtulungan ang isa’t-isa.
Kung sino pa ang mas nabibigyan ng pagkakataon na maghanap buhay ng maayos, siya pa ang may maraming reklamo sa buhay. Pagbabahagi pa nga ng naturang netizen,
“Sa panahon ng pandemya, na maraming nagugutom at walang trabaho, may mga driver na nagagawa pa ring mamili at magsamantala ng pasahero, may mga taong kahit bigyan mo ng oportunidad maghanapbuhay ayaw magsibanat ng buto at punong puno pa ng arte at reklamo.”
Kaya naman, nakakatuwang malaman na may mga taong katulad ni Manong na taxi driver na mas pinipili pa ring maging marangal sa buhay. Isa itong magandang halimbawa na kapag gugustuhin lamang at maging madiskarte sa marangal na paraan, malalagpasan ng kahit sino ang kahirapan na dinaranas.
Kaya naman, saludo ang maraming mga netizen kay Manong taxi driver dahil sa dedikasyon at pagsisikap nito na maitawaid ang pangangailangan at mai-ahon ng marangal ang kanyang pamilya.
“Si Manong na pumapasada ng Taxi kasabay ng kanyang Mobile Sari Sari store (na binebenta nya daw sa mga kasamahan din nyang taxi driver) ay isang HALIMBAWA na lahat kakayanin para sa pamilya at mga pangarap, na pedeng gawin sa marangal na pamamaraan!
“MABUHAY KA KUYA! Saludo kame sa diskarte mo! Gantimpalaan ka pa lalo ng Poong Maykapal at ang iyong sambahayan!” papuri pa nga kay Manong ng netizen na nagbahagi ng Facebook post.
Dapat lamang makatanggap ito ng paghanga at pagsaludo dahil sa panahon ngayon, iilan na lamang ang mga tao na mas pipiliing kumayod sa marangal na paraan. Sa panahong katulad nito na nasa gitna ng isang pandemya, lahat ng oportunidad na pwedeng pasukin ay ay hindi nito pinapalagpas basta’t ito ay sa paraang mabuti at marangal.
Nararapat lamang ito na makatanggap ng mga pagsaludo bilang ganti sa kanyang pagsisikap araw-araw. Dapat din itong tularan at maging magandang halimbawa para sa marami na kaysa ubusin ang oras sa pagrereklamo tungkol sa hirap ng buhay, kumayod ng marangal upang kahit papaano ay maiahon mula dito ang sarili.
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments