Isa marahil sa pinakamahalagang bagay na pinagsusumikapan ng bawat isa sa atin sa ating pagpapagal sa ating mga trabaho ay ang mayroon tayong maihain na pagkain sa ating hapag-kainan, upang mayroon tayong maipangbili ng iba pang mga pangangailan natin lalo na ang pangangailangan ng ating mga anak.
Kamakailan lamang ay talaga namang umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng isang mag-ama dahil sa mahigpit na pagpapairal ng “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa ating bansa ay wala na silang ibang mapagpipilian pa kundi ang kainin na lamang ng kinayod na niyog.
Ang mas mahirap pa rito, dapat sana ay gatas ang iniinom ng kaniyang anak ngunit dahil wala pa silang natatanggap na tulong o ayuda mula sa gobyerno ay nakuntento na lamang sila sa kinayod na niyog bilang panglaman sa kanilang sikmura.
Ang Social Amelioration Program ng ating pamahalaan ay naglalayong tulungan ang maraming mga mahihirap nating kababayan na magkaroon ng kahit kaunting tulong pinansyal para sa kanilang pamilya habang hindi pa sila maaaring makapagtrabaho.
Ayon sa naturang programa ng pamahalaan ay magkaroon ng halagang P5,000-P8,000 ang mga kwalipikadong pamilya.
Sa kasamaang palad ay hindi pa nakatatanggap ng ganitong ayuda si Denmark Balobal. Isa siyang “taho vendor” na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapagtinda dahil sa ECQ at patuloy na paglobo ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19.
Ang kaniyang misis na si Leah Sapanton ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Oman ngunit hindi rin ito makapagpadala ng pera dahil sa kakasimula pa lamang nito sa kaniyang trabaho. Nakapanayam naman ng “Magandang Buhay” ng ABS-CBN si Denmark na naiyak na lamang dahil sa kanilang kalagayan.
Source: Keulisyuna
0 Comments