TINGNAN: Ang Nakakamanghang Weight Loss Transformation ni Elha Nympha

Ilang buwan na rin ang nakararaan nang ginulat ni The Voice Kids Season 2 grandwinner Elha Nympha ang publiko dahil sa laki ng ibinawas nito sa kanyang timbang. 

Mula sa pagiging cute at chubby na bata, dalagang-dalaga na ngayon ang 16 taong gulang na singer sa bago nitong look matapos magbawas ng halos 29 pounds lang naman sa kanyang timbang.

Sa isa sa mga vlog ni Elha, ibinahagi nito sa publiko ang naging journey niya sa pagpapapayat. Mula sa 141.9 pounds na timbang nito noong Marso, matapos ang apat na buwan ay nasa 113 punds nalang ang timbang nito; malapit na malapit na sa kanyang target na 100 pounds.

Para masubaybayan ang pagbabagong ito sa kanyang timbang, maya’t maya ay kinukunan ni Elha ang sarili ng larawan o ‘belly pics’. Sa unang buwan pa lamang mula nang simulan niyang magdiet, 13.9 pounds agad ang naibawas ng singer.

Ayon kay Elha, isa sa pinaka-iniwasan nito nang magdiet ay ang kumain ng matatamis. Maliban kasi sa nakakatulong ito na mabawasan ang kanyang timbang, ang hindi pagkain nito ay nakakatulong din sa kanyang pagkanta.

Binawasan niya rin umano ang pagkain ng kanin at iba pang carbohydrates tulad ng paborito nitong french fries. Ayon kay Elha, naging partikular umano ito sa mga pagkain na pwede niyang kainin. 

“Kaya nga tatlong kutsara ng kanin lang ang kinakain ko kasi ayoko masyado kumain ng mga carbo. Kahit anong ulam iyan guys, puwede mo kainin iyan. Basta tatlong kutsara ng kanin.

“Mga potato fries... Goodbye, bawal iyan. Kahit favorite ko iyong fries, iniwasan ko iyan since lockdown. Pero hindi ko naman sinasabi na huwag tayo kumain ng mga ganoong pagkain. Iwasan lang natin iyong pagdalas ng pagkain ng ganoon… 

“Kung ano kinakain mo, iyon lang. Iyon lang dapat,” pagbabahagi pa ni Elha.

Nakatulong din daw sa kanya ang paggamit ng chopstick sa pagkain dahil napapabagal nito ang oras ng kanyang pagkain. Dinadamihan din nito ang pag-inom ng tubig o di kaya ay tea.

Ilang buwan matapos simulan ni Elha ang kanyang diet, noong Hunyo ay isinabay niya na rin dito ang pag-eehersisyo o ang kanyang ‘ab workout’. 

Planks, plank twists, semi-situps, squats, boxing--- ilan lamang ito sa mga ginawa ni Elha kasabay ng madalas na pagsayaw sa Tiktok at iba’t-ibang workout videos sa YouTube na nakakatulong sa kanyang magpapawis.

Tatlong linggo lamang matapos niya itong gawin, naramdaman na daw ni Elha ang epekto nito sa kanyang katawan at timbang. Aniya, nawala raw ang kanyang pagkailang sa tuwing itina-tuck in niya ang kanyang damit.

Nagbunga naman ang mga pagsisikap na ito ng singer ng ilang buwan dahil, kitang kita ang ganda ng naging epekto nito sa kanya. Paglilinaw naman ni Elha, ang ginawa niyang transformation ay hindi umano para sa social media o ano paman kundi para sa kanyang sarili.

“Nagpapayat ako para iyon sa sarili ko and gusto ko lang na magkaroon ako ng new version of me. Iyon lang ang gusto ko mangyari and, siyempre, para maging healthy din tayo.

“Nilubus-lubos ko ito kasi nga, kapag medyo tumanda, medyo mahirapan na ako mag-diet, magpapayat,” saad p ni Elha.

Source: PEP

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments