Angillyn Gorens, Ibinunyag ang Tunay na Rason sa Hiwalayan nila ni Buboy Villar

Marami ang nagulat at nalungkot nang kamakailan lang ay ibinunyag ni Angillyn Gorens sa publiko na hiwalay na ito sa partner at aktor na si Buboy Villar. 

Ayon pa kay Angilyn, halos dalawang taon na umano silang hiwalay ni Buboy at ngayon ay nais na lamang nilang maging mabuting magulang sa kanilang mga anak. Dagdag pa nito, kahit hiwalay na sila ni Buboy ay maayos naman umano ang kanilang relasyon at pagkakasundo.

Hindi naman maiwasan ng marami na matanong kung ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa at nagawa nila nitong itago sa publiko ng mahabang panahon.

Pagbabahagi naman ni Angilyn, kawalan ng oras  sa isa’t-isa ang isa sa pinakamalaking naging rason ng kanilang hiwalayan. Kasalukuyan ngayong nasa Amerika si Angillyn, 22, upang magtrabaho.

“Wala pong away na naganap. Dumating po sa point na sobrang busy po naming dalawa at wala na po talaga oras para makapag-usap…

“Hindi na rin po magtugma ang mga oras namin. Sobrang hirap po,” pagbubunyag pa ni Angillyn.

Habang ito ay abala sa kanyang trabaho sa Amerika, si Buboy naman, 21, ay abala rin sa Pilipinas para sa kanyang vlog at mga taping bilang artista. Kaya naman, hindi rin nakapagtataka ang hindi pagkakatugma ng kanilang oras.

Mayroong dalawang anak sina Buboy at Angillyn. Ang panganay nilang si Vlanz Karollyn ay tatlong taong gulang na habang ang bunsong si George Michael ay isang taong gulang pa lamang. 

Pagkukwento ni Angillyn, nasa magulang niya ngayon ang mga bata ngunit pwede itong bisitahin at isama ni Buboy kahit kailan nito gusto. Prayoridad nila ngayon ang kanilang mga anak at magkaayos umano ang relasyon ng kanilang mga pamilya.

Nang matanong naman si Angillyn kung may plano itong pumasok sa ibang relasyon, ayon sa American ay hindi niya umano ito prayoridad sa ngayon.

“Sa totoo lang, wala pa po sa isip ko ‘yun. Kasi po, work po talaga ang focus ko pati sa mga anak ko. Sobrang buhay ko po sila,” ani nito.

Nagbigay din ito nang opinyon kung sakaling makahanap o pumasok naman sa bagong relasyon ang ama ng kanyang mga anak na si Buboy. Saad ni Angillyn tungkol dito,

“Nasa kanya naman po ‘yun. Pero alam ko naman po, focus din po siya sa work. ‘Yung gusto lang po namin sa ngayon, ‘yung best para sa mga anak namin.”

Bagama’t mahigit isang taon nang hiwalay at maayos naman ang relasyon ngayon nina Buboy at Angillyn, ayon sa huli ay hindi naman umano nito inaalis ang posibilidad na maaari pa silang magkabalikan ng aktor.

“Ayoko po magsalita ng tapos. Siyempre, may pinagsamahan naman po kami. Sa ngayon, ito po talaga desisyon namin. Kaya nga po hindi naman po nagsasara ng pinto… kung  kami naman para sa isa’t-isa, kami. Sa ngayon, sobrang focus sa magandang kinabukasan po ng mga anak namin,” pagbabahagi pa ni Angilyn.

Kung matatandaan, taong 2016 nang unang ipakilala ni Buboy sa publiko si Angilyn bilang kanyang girlfriend.

Source: mostrendingph


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments