Nainis man noong una dahil sa tagal dumating ng kanyang ipinapadeliver, nawala ang inis na ito ng netizen na si Michael Jamandre nang makitang dumating ang delivery man na sakay lamang ng isang ordinaryong bisikleta.
Mula Binondo hanggang Bacoor, Cavite, isang lumang bike lamang ang gamit ng delivery man na si Jeffrey Sioson sa pagdediver nito ng action figures na order ni Jamandre sa isang shop sa Binondo, Manila. Kaya naman dahil sa pagkamangha ni Jamandre sa kasipagan ng delivery man, ibinahagi nito ang pangyayari sa Facebook.
“Solid nung nag deliver ng order ko. Una nagagalit pa ako kasi ba’t kako ang tagal halos 3hrs wala pa. Sabi lang ng rider basta dadating daw sya. Mag antay lang daw ako…
“Nung dumating ‘yung rider, bigla nawala inis ko. Una natawa ako tapos naawa ako. Grabi from Binondo papuntang Cavite, eto lang gamit niya tapos ang rate 250pesos,” saad pa rito ni Sioson.
Sa haba ng binyahe ni Jamandre, Php250 lamang ang hinihingi nitong delivery fee kay Sioson. Kaya naman, pinilit niya raw ito na kunin ang sukli ng kanyang bayad. Ngunit, ito pa umano ang tumanggi at sinabing sapat na sa kanya ang hinihingi nitong bayad sa delivery.
Ngunit, ipinilit pa rin dito ni Jamandre na dagdagan ang bayad. Sa kabila nito, hindi buong kinuha ng delivery man ang inaalok sa kanyang sobrang bayad ni Jamandre at ibinalik pa rin dito ang ilang halaga.
“Take note. May sukli na 250. Sabi ko, “Kuya, sayo na ‘yan kasi ramdam ko pagod mo. Babalik ka pa ng Binondo at wala kana mang item na pabalik.” Isipin mo, 250 balikan Binondo - Cavite tapos balik uli ng Binondo…
“Ang sabi lang ni kuya, “Naku boss. Ok lang ‘yun, kasama sa trabaho namin ‘yun.” Pinilit ko na kunin [niya] ang sukli sa 500 na 250. Ang ginawa niya, binalik ‘ung 100. Ok na daw siya doon,” kwento pa ulit ni Jalamandre.
Kaya naman, lubusan ang kanyang paghanga at pagsaludo sa delivery man. Kaugnay naman dito, tinanong pa umano ni Jamandre ang store na pinagbilhan niya ng action figure kung talagang regular nilang delivery man si Sioson.
Kinumpirma naman ito ng shop at naibahagi na isa umano ito sa mga dating tambay lamang sa kanilang lugar. Upang magkaroon ng trabaho ay kinuha umano nila itong delivery man. Kahit nakabisikleta, ang rate na kanilang ipinapataw ay mababa lamang dahil baka malugi din ang mga bibili sa kanila.
Dahil naman dito kaya mas nadagdagan pa ulit ang paghanga ni Jamandre hindi lamang para sa delivery man kundi pati narin sa shop na nagbigay rito ng trabaho. Ani niya pa nga tungkol dito,
“Nag-messege ako doon sa store. Sabi ko, “Sarili nyio bang delivery ‘yung nagdala ng item ko?” Sabi nung store, “Yes, sir. Mga tambay dito sa amin ‘yan. Imbes na magbisyo eh binibigyan namin ng trabaho.” ‘Yung rate daw na 250 eh binabase lang din nila daw sa Lalamove rate kaya mababa para hindi din daw lugi ung mga buyer…
“Para doon sa store, saludo ako sa pag tulong niyo sa mga tambay sa inyo, at doon sa nagdala ng item ko, idol kita. Sana gayahin ka din ng mga ibang tambay sa inyo.”
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments