Kung matatandaan, naging viral kamakailan lang sa social media ang lola na ito matapos na maantig ang mga maraming netizen sa kanyang kwento. Nagpupunta lang naman kasi ito madalas sa isang mall upang makigamit ng kanilang demo laptop upang makausap nito ang kanyang pamilya.
Ayon sa larawan ni nanay Zeny Tolentino, 78, na ibinahagi ng netizen na si Walter So, wala umano itong gadget na magagamit niya upang makapagpalitan ng mensahe sa kanyang pamilya at mga kamag-anak. Kaya naman, nagpupunta umano ito sa isang mall sa Makati upang makigamit ng libre sa mga demo laptop at makagamit na rin ng libreng internet.
Sa naturang gadget store ay tinuruan din umano si nanay ng mga personnel nito kung paano gumamit ng Macbook. Kaya naman, saludo rin ang netizen sa mga ito na hinayaang makigamit ng laptop si nanay Zeny.
“The store personnel call her “nanay” (mother). She can’t afford a gadget to be able to connect with her family and so she frequents the store, so that she can use the demo MacBook and free internet and chat with her family and check Facebook… Oh... by the way, nanay is amazing at using MacBook. The employees have taught her well.
“I salute the store employees for being charitable. I hope the returns they get is ten fold. This is now my favorite store,” pagbabahagi pa ng netizen tungkol kay nanay.
Dito ay nagagawa na umano ni nanay na makipag-chat sa kanyang mga kamag-anak at makapag Facebook na rin. Agad naman na naging viral ang kwentong ito ni Nanay Zeny at maraming mga netizen ang naantig sa kanang kwento. Ayon kay Walter, hindi nito napigilan na kunan ng larawan si nanay dahil sa mensaheng hatid nito.
“To me it was a very powerful image kasi it represents a lot of things... At first glance you see an aged person using technology to connect to the world but behind it also you see 'yong talagang galing ng mga nanay to find a way to reach out at their children,” ani pa ng netizen
Ilang araw lamang matapos nitong maging viral, mqsayang ibinalita ng netizen nq nagbahagi ng kwento ni nanay ang isang magandang balita. Isqng nagmagandang loob umano na netizen ang naghandog kay nanay ng isang regalong latop upang mayroon na itong magamit.
“Happy to share that “nanay” has been provided a MacBook by anonymous… In coordination with Powermac greenbelt and anonymous donor, MacBook (pink) has been received by nanay! You sharing this photo to the world helped someone today,” anunsyo pa ni Walter tungkol dito.
Kaya naman, labis itong ikinatuwa ni nanay na halos maiyak umano dahil sa tuwa na kanyang nararamdaman. Sa isang video na kuha kay nanay, makikita ang pagpapasalamat nito sa hindi nagpakilalang donor na nagbigay sa kanya ng bagong laptop.
“Super, super salamat po sa nagbigay. Napakabuti ninyo. Nakakaiyak naman,” ani pa nga ni nanay Zeny.
“Talagang pasalamat na pasalamat ako sa kaniya kasi 'yon talaga ang dream ko... This is a dream come true,” dagdag ani pa nito.
Ikinatuwa naman ng maraming mga netizen ang regalong ito kay nanay at nagpasalamat din ang mga ito sa nagmagandang loob na nagbigay sa kanya ng sarili nitong magagamit na laptop.
Source: Kiat Media
0 Comments