Dahil umano sa ginamit nitong headset sa isang computer shop, nakuryente ang 13 taong gulang na lalaking ito sa Barangay Devera sa Sara, Illoilo. Agad na ikinamatay ng naturang minor de edad ang pagkakakuryente nito at hindi na naisalba pa nang isugod sa ospital.
Ayon sa ulat, nito lamang umanong ika-13 ng Pebrero nangyari ang aksidente. Nangyari ito bandang 5:30 ng hapon.
Noong una ay binalaan na umano ng may-ari ng computer shop ang biktima na huwag gamitin ang naturang headset. Sira pa umano ito at hindi pa naaayos. Ngunit, ginamit pa rin umano ito ng lalaki.
Pagkagamit umano nito ng headset ay bigla na lamang nangisay ang lalaki na ikinagulat naman ng mga nakasaksi rito kabilang na ang may-ari ng internet shop. Ayon sa inilabas na imbestigasyon ng Sara police, sinubukan pa umano ng mag ito na maisalba ang lalaki.
Ngunit, nang tangkain ng mga ito na isalba ang 13 taong gulang na binatilyo ay nakuryente rin sila. Dahil sa pagkakakuryente at peligro ay nabitawan na lamang nila ang biktima.
Gayunpaman, nagawa pa umano nilang isugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital. Isinugod umano ito ng may-ari ng internet shop sa Sara District Hospital. Ngunit, sa kasamaang palad ay idineklara na itong dead-on-arrival.
Patuloy pa umano ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan tungkol sa kaso. Kabilang sa kanilang mga inaalam o nililinaw ay kung bakit umano nandoon pa rin ang headset sa internet shop kung hindi naman ito pwedeng gamitin o sira.
Ayon naman sa may-ari ng computer shop, handa umano itong tumulong sa pamilya ng biktima. Tutulong umano ito sa mga gastusin ng pagpapalibing sa menor de edad.
Samantala, halu-halo naman ang naging reaksyon dito ng mga netizen na karamihan ay nalungkot sa sinapit ng bata. Ani ng mga ito, sayang umano ang buhay ng lalaki lalo na’t napakabata pa nito.
Agad na bumuhos ang pakikiramay rito ng mga tao at sa kanyang pamilya na naulila. Ani ng mga ito, siguradong napakahirap umano para sa mga magulang ng naturang bata ang nangyari lalo na’t hindi ito inaasahan ng sinuman. Dasal daw nila na malagpasan ng mga ito ang kanilang pinagdaraanan.
Samantala, duda naman ang iilan sa mga netizen na ang paggamit mismo sa headset ang ikinamatay ng biktima. Maaaring wiring umano nito ang may problema dahil bihira umanong mangyari na makakuryente ng malakas ang mismong headset. Nagulat ang mga ito na dahil sa pagkakakuryente sa headset ang ikinamatay ng biktima.
Gayunpaman, paalala pa rin umano ang pangyayaring ito na mag-ingat palagi. Ang mga bagay na hindi natin inaasahan na makakapahamak sa atin ay pwede palang maging sanhi ng peligro gaya na lamang ng headset na ito. Kung tutuusin kasi ay kuryente pa rin naman ang nagpapagana rito kaya mayroon pa rin itong peligro na kaakibat.
Sana rin umano ay maging regular ang maintenance o check-up ng mga computer o internet shop sa kanilang mga gamit upang maiwasan na mangyari ulit ang naturang aksidente.
Source: Kiat Media
0 Comments