Pinay OFW sa Saudi Arabia, Humihingi ng Tulong Matapos na Bugbugin at Pagsamantalahan ng Kanyang Amo

Viral ngayon ang Facebook post na ito ng isang Pinay OFW sa Saudi Arabia tungkol sa paghingi sa kanya ng tulong ng kapwa niya rin OFW.

Ayon sa ibinahaging post ng naturang OFW, nasa isang mall umano siya sa Saudi Arabi nang mayroong lumapit sa kanyang Pinay at nag-abot dito ng isang maliit na papel. Nakasulat umano dito ang mga katagang ‘Help Me’ kaya agad niya raw itong inilagay sa kanyang bulsa.

Kwento ng OFW, hindi niya umano makunan ng larawan ng naturang kapwa Pinay dahil kasama nito ang amo nito at baka sitahin o hulihin rin siya ng pulis. Ngunit, kita niya umano kung gaano ito nahihirapang maglakad habang itinutulak ang isang malaking cart.

Nang makauwi umano ito ay agad niyang tinignan ang sulat at binasa ang nakasulat dito. Laman umano nito ang paghingi ng saklolo ng naturang OFW na sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa sulat, binubugbog at pinagsasamantalahan umano ang OFW ng kanyang mga amo.

Nagpakilala rin dito ang Pinay OFW at sinabing ito ay nakatira sa T’Boli sa South Cotabato. Hindi gaanong malinaw ang pagkakasulat nito ng kanyang pangalan ngunit, malinaw pa sa sinag ng araw ang mga inihayag nitong pagmamaltrato sa kanya ng kanyang amo. Ang bahay umano ng mga ito ay malapit lamang sa Granada Mall, Saudi Arabia.

Binubugbog at pinagtutulungan umano siya ng kanyang mga amo. Ngunit, ang pinakamatindi ay ang paglalahad nito na pinagsamantalahan din umano siya ng kanyang among lalaki.

Ang mas masaklap ay nagdadalang-tao ngayon ang naturang OFW. Ayon dito, tatlong buwan na umano siyang buntis matapos na ma-rape ng kanyang amo. Ngunit, hindi nito magawang humingi ng saklolo dahil kinuha ng mga ito ang kanyang cellphone at passport. 

Base sa aming pagkakabasa, heto ang nakasaad sa sulat na natanggap ng OFW na ito mula sa kapwa nito Pinay OFW:

“Magandang araw po, kung sino man po sana mabigyan ko po ng sulat ko sana po matulungan niyo po ako. Ako po si Norjana Abid taga Lun Padido Malapatan Sarangani. Nakapag-asawa po ako ng taga T’Boli South Cotabato po sa Barangay Lam Salome South Cotabato.

“Nandito po ako ngayon sa Riyadh, Saudi Arabia. Walong buwan pa lamang po ako dito. Binubugbog po ako ng aking mga amo at pinagtutulungan po ako ng amo ko po kong lalaki at kapatid… 

“Ni-rape po ko ng amo ko po na lalaki at ng kapatid niya po. Buntis po ako ngayon ng tatlong buwan po. Sana po matulungan niyo po ako. Wala po akong selpon, passport at ID. Lahat po kinuha ng amo kong babae. 

“Pangalan po ng asawa ko Norberto Piang. Ang bahay po ng amo ko malapit lang po sa Granada Mall, Saudi Arabia.”

Sa kanyang Facebook post ay agad na humingi ng tulong ang OFW sa mga netizen na nakakakilala sa naturang Pinay at nang maipagbigay alam ang kondisyon nito sa mga maaaring pwedeng tumulong at maligtas siya sa kanyang kalagayan. 

Marami sa mga netizen na ito ang nagpahayag ng kagustuhan na tumulong at matunton ang kinaroroonan ngayon ng OFW upang marescue.

Para sa karagdagang impormasyon, heto ang buong Facebook post na ibinahagi ng OFW na ito tungkol sa paghingi ng tulong ng kapwa nito Pinay OFW:

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments