Empleyado ng MORE Power Iloilo, Binugbog ng mga Residenteng Hindi Nakabayad Ngunit Ayaw Magpaputol ng Kuryente

Viral ngayon sa social media ang kuhang video ng ginawang pambubugbog ng ilang mga residente ng Brgy. Javellana, Jaro, Iloilo sa isang empleyado ng MORE Power Iloilo, ang electric distribution utility ng lugar.

Ito ay matapos na hindi umano pumayag ang isang residente na putulan siya ng kuryente. Umabot na umano sa Php26,000 ang laki ng bayarin nito sa kuryente kaya ipinapaputol na ang koneksyon nito ngunit, nagmatigas pa rin ang residente at nambugbog pa ng empleyado ng MORE Power Iloilo.

Nangyari ang naturang insidente nito lamang ika-15 ng Marso, bandang alas 12 ng tanghali. Ayon sa ulat, umaga pa lamang umano nang araw na iyon ay nagpunta na ang empleyadong si Kevin James Cajilig sa bahay ng residenteng si Joel Dofitas para nga putulan ito ng koneksyon ng kuryente.

Ngunit, wala umano ito doon ng mga oras na iyon. Pagbabahagi pa ng empleyado, naabutan umano nila ang misis ni Dofitas ngunit, panay lamang umano ang salita at bulyaw nito sa kanila kaya umalis na lamang muna sila at nagdesisyong bumalik sa tanghali.

Dito, naabutan na nina Cajilig si Dofitas at ipinaalam dito ang gagawaing pagputol sa koneksyon nila ng kuryente. Kinailangan nila itong gawin dahil nga sa bayarin nito na umabot na ng Php26,000.

Ngunit, nagpumilit umano sa mga ito si Dofitas na huwag putulin ang kanilang kuryente. Ani nito sa kanila, nakapagbayad na umano siya ng kanilang bayain. Ngunit, ayon naman kay Cajilig ay basta’t wala itong naipapakitang resibo ay itutuloy nila ang pagputol sa koneksyon ng kanilang kuryente. Isa pa, sumusundo lang din daw sila sa utos sa kanila ng MORE Power Iloilo.

Hindi naman inaasahan ng mga ito ang susunod na mga mangyayari. Nang inaayos pa lamang umano nila ang gagamiting hagdan, bigla na lamang na sumugod kay Cajilig si Dofitas at pinagsusuntok ito. Inamin naman ng empleyado na gumanti rin ito dito ng suntok na nagresulta na nga sa animo’y rambulan ng mga ito.


Ngunit, nagulat na lamang umano si Cajilig ng tatlong tao na ang nagtutulungan na gulpihin siya. Kasama na ni Dofitas ang dalawa sa kanyang mag kapitbahay sa pagpapaulan ng suntok kay Cajilig.

Dahil sa nangyaring ito ay dinala si Dofitas sa Jaro PNP. Ayon sa kanya, wala naman umano itong intensyon na awayin at suntukin si Cajilig. Ngunit, naging arogante raw kasi ito kaya ganoon na lamang ang kanyang inasta. Alam umano nito na mayroon siyang pagkakamali sa nangyari.

Samantala, aminado na rin ito na hindi siya nakapagbayad ng kuryente mula nang mag-lockdown kaya lumaki ng ganoon ang kanyang bayarin. Gayunpaman, paunti-unti niya na raw itong binabayaran.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen ang naturang pangyyari. Karamihan sa mga ito ay naawa sa binubugbog na empleyado ng electric distribution company na wala naman umanong ginawang masama kundi ang sumunod sa utos at magtrabaho.

Sa kabilang banda, umani naman ng mga pambabatikos si Dofitas at ang mga kapitbahay nito. Ayon sa mga netizen, kung tutuusin ay ang hindi nito pagbabayad ng kuryente ang rason kung bakit umano ito naputulan ngunit, sa empleyado ibinuhos ng mga ito ang sisi.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments