Guro, Sinunog at Pinaslang ng Kanyang Dating Estudyante

Isang krimen na naman ang hindi inaasahan ng publiko ngayon na may kinalaman sa isang lalaking estudyante at dating guro nito.

Halos maabo na nang madatnan ng mga awtoridad ang natustang bangkay sa Sto Domingo lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa naging ulat nito ni Marjorie Padua noong Lunes  sa GMA Regional TV “Balitang Amianan”, nakilala ang bangkay bilang si Rolando dela Cruz, isang 63-anyos na gurong naninirahan sa San Alejandro Quezon ng Nueva Ecija.

Natagpuan ang sunog at hindi na makilala nitong bangkay sa gilid mismo ng paaralan ng San Pascual Elementary School.

Dating estudyante ng pinaslang na guro ang naging suspek sa sinasabing krimen na nagngangalang Joebert Camrot, 20-anyos, residente ng Brgy. San Pascual.

Lumabas naman sa isinagawang imbestigasyon na pinalo ng suspek sa ulo ang biktima saka ito tuluyang sinunog at natusta.

Ayon sa awtoridad ay sumuko at inamin ng suspek ang ginawang krimen laban sa dati nitong guro matapos itong makonsiyensya nang pangalawang inamin nito sa kanya mismong kamag-anak ang hindi inaasahang krimen.

Ayon sa pag-aamin ng biktima na una itong umamin na mayroon itong napatay sa kanyang kapatid. Nang makita niya ang tito niya na nag-iinum ay nakipag-inuman siya at sinabi ang nangyari saka siya pinayuhan sa dapat gawin nito.

Ikinuwento ng suspek na nagsimula ang krimen nang dumating ang napaslang na guro at una siyang biglang binatukan ng umano ay nakainom na guro habang nakaupo na naglalaro sa kanyang cellphone.

Sa gulat at galit ng suspek hindi niya napigilan ang sarili na kumuha ng kahoy at tuluyang pinalo ang biktima sa ulo at saka sinilaban. Nawalan naman ng malay ang biktima nang ito ay pinalo ng suspek. Sa imbestigasyon bago niya sinunog ang biktima ay kumuha muna ng mga tuyong dahon ang suspek sa gilid ng tinutukoy na paaralan kung saan natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima at tinabunan ang nasabing bumulagtang katawan saka sinindihan gamit ang posporo.

Sa mga tuyong dahon na itinabon ng suspek sa biktima ay siyang nagpalaki nito sa apoy kung kaya ay halos maabo na ang katawan ng biktima nang matagpuan.

Nang maikuwento sa kamag-anak ng suspek ang krimeng nagawa ay agad siyang pinayuhan nito na mas mabuting sumuko at umamin siya sa awtoridad.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa kanyang panig ang suspek at humarap sa kamera na nais sanang kunan sa ulat ni Marjorie.

Sa kasalukuyan ay nahaharap sa kasong murder ang 20-anyos na suspek. Ayon naman sa GMA Regional TV “Balitang Amianan” na patuloy ang kanilang programa na nakikipag-ugnayan sa pamilya ng sumukong suspek para sa kanyang panig.

Sa krimeng naibalita sa publiko ay mahihinuha kung ano ang kayang gawin ng galit ng tao. Kung hindi ito makontrol ay dadating at darating sa punto na makakapanakit na ng tao at maaaring ikakamatay nito. Sa kabilang dako naman ay mapapagtanto ang maaaring maidulot ng paglalasing na kadalasan sa mga krimen ay siyang puno’t dulo.

Bagaman parehong may masasabi sa bawat panig ng dalawang pangunahing tao sa krimen ay isang hindi makapaniwala at nakakalarmang pangyayari pa din ito, lalong-lalo na, na ang krimen ay namamagitan sa isang guro at isang estudyante.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments