Patalim, Apat na Taong Nakabaon sa Ulo Bago Madiskubre

Matapos nakuha ang atensyon ng maraming netizen sa kondisyon ni Kent Ryan Tomao, ang lalaking mahigit isang taon nang dala-dala sa loob ng baga nito ang isang patalim na ginamit sa nakaraang operasyon ay isa na namang kondisyon na may pagkakatulad sa kay Kent ang ibinahagi ngayon sa social media kung saan marami ang hindi makapaniwala.

Isang balita ang ibinahagi ng Facebook page ng Brigada News Davao tungkol sa mas nakahihigit na kondisyon kay Kent, balitang nagmula sa bansa ng China.

Ang balitang ito ay tungkol sa kondisyon ng isang taxi drayber sa China na nagngangalang Li Fuyan na noong 2011 ay napag-alamang mayroong nakabaon na apat na pulgadang patalim sa mismong ulo nito.

Sinasabing sinapit niya ito noong nakaengkwentro ng isang tulisan habang namamasada at siya ay tuluyang sinaksak gamit ang sinasabing patalim sa bandang panga nito. Inakala naman ni Li Fuyan na sugat lamang ang natamo nito kung kaya umabot sa apat na taon bago nalaman ang kanyang kondisyon.

Simula nang mangyari ang engkwentrong iyun ay madalas na sumasakit ang ulo ni Li Fuyan ngunit hindi agad nalaman ang mahigit pa sa sugat na kondisyon nito dahil nga sa maling akala nito. Sa paglipas ng apat na taon ay naisipan niyang ipasuri sa isang doktor ang madalas na pananakit ng ulo nito.

Nang sumailalim ito sa X-ray ay saka  nadiskubre ng doktor ang patalim na nakasaksak pa sa may panga  nito.

Hindi pinatagal pa ni Li Fuyan at agad na sumailalim sa isang operasyon upang tanggalin ang patalim. Naging matagumpay naman ang operasyon na isinagawa sa kanya.

Marami ang nagulat sa balitang ito ngunit kasingrami din nito ang bilang ng netizens na hindi makapaniwala sa balita.

Samut-sari ang naging reaksyon ng mga netizen sa balitang ibinahagi ng nabangggit na Facebook page. Sa katunayan may mga nag-haha na reaksyon pa sa post.

Dahil nga sa sunod-sunod na balita na may kinalaman sa mga hindi inaasahang mga bagay na nakabaon sa katawan ng tao sa matagal na panahon at hindi man lang napansin ang kondisyon, ay mayroong iilan na nagdududa kung totoo nga ba ang mga balitang ito o gawa-gawa lamang upang makuha ang atensyon ng masa.

Naging katawa-tawa naman  ang laman ng comment section nang mayroong isang netizen na nagkomento ng isang litrato ng X-ray result kumbaga na may nakikitang hugis manok sa dibdib nito.

May isang netizen naman ang napaisip kung anong mga balita  naman kaya ang magsisilabasan sa susunod na mga araw. May dumagdag pa na baka bukas ay nasa puwet na mapunta.

Bumaha naman ang mga komentong nagsasabing walang katotohanan ang tinutukoy na balita.

Sa tindi ng umano ay nangyari kay Li Fuyan at sa taas ng panahong nagdaan bago malaman ang sinasabing sinapit nito ay hindi natin masisisi kung mayroong mga taong piniling hindi maniwala sa balita nito.

Subalit kung totoo man ang balita ay mananatiling nakakagulat ito kung paano nagawang manatiling buhay ni Li Fuyan sa kabila ng naging kondisyon nito.

Maaaring totoo o gawa-gawa lamang ang balita ngunit sa kay raming balitang naririnig natin ngayon ay hindi imposibleng nangyari nga ang balitang inaakala ng marami ay hindi totoo.

Kung may nais ituro man ang sinapit ni Li Fuyan ito ay ang pagpapatingin sa doktor kung may hindi na maipaliwanag na pakiramdam sa katawan at mas mabuting gawin ito habang maaga pa bago tuluyang lumala.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments