Delivery Man sa Vietnam, Sinagip ang Isang Batang Nahuhulog sa Ika-12 Palapag ng Isang Gusali

Bayani ang bansag ngayon sa delivery man na ito sa Hanoi, Vietnam matapos niyang sagipin mula sa pagkakahulog ang isang dalawang taong gulang na batang babae mula sa ika-12 palapag ng isang gusali roon.

“I couldn’t believe I saved the girl’s life,” ang ani pa ng 31 taong gulang na si Nguyen Ngoc Manh, isang delivery man.

Nasa kotse umano nang mga panahong iyon si Manh at kasalukuyang mayroong idinideliver sa lugar. Noong una, inakala niyang boses lamang ng isang batang umiiyak dahil napagalitan ang kanyang naririnig.

Ngunit, dahil sa sunod-sunod na iyak at sgaw ay napalabas si Manh sa sasakyan at tiningnan ang paligid. Dito niya na nakita ang dalawang taong gulang na batang babae humihingi ng tulong sa ika-12 palapag ng katapat na gusali.

Dali-dali namang gumawa ng paraan si Manh para maligtas ang bata kahit ito rin ay natataranta sa kanyang nakita.

“I was sitting in the car and waiting to deliver some belongings for a client in the opposite building while hearing a baby’s bawling, just thought she was yelled [at] by her mothers… 

“However, no sooner had I heard someone screaming for help than I stuck my head out of the car, looking around, and saw a girl climbing out of the balcony… I plunged out of the car immediately and found ways to climb into the nearby building. I mounted on a 2-meter-high tile roof to seek a proper position to get the girl.

“I tried to reach out my hand and took the maximum effort to catch the girl, [so] when the baby falls, I just can ward her off so that she would not fall directly to the ground. Luckily, the baby fell into my lap,” pagbabahagi pa ni Manh.

Hindi tuluyang tumama sa lupa ang bata dahil saktong nasalo ito ni Manh matapos na halos tinalon nito kung saan babagsak ang bata. Ngunit, nasagip man nito ang bata sa tuluyang pagkakahulog sa lupa, hindi natapos ang kanyang pag-aalala nang makita na mayroong dugo sa bibig nito.

“She looked so much like my child at home. I was so confused, only able to tell her 'please, please, I'm here now',” kwento pa nito.

Dahil dito kaya agad din na dinala ang bata sa ospital at naagapan. Ayon kay Manh, maging ito ay hindi rin makapaniwala sa bilis ng pangyayari at kung paano nito naligats ang buhay ng bata. Dahil naman dito kaya kabi-kabila ang mga papuri at maging ang mga nag-aalok ng pabuya para kay Manh.

“It’s not just changed my life... it has turned upside down. Normally my Facebook posts draw only a few dozen responses, now I get tens of thousands,” saad pa nito.

Sa kabila nito, tinanggihan lahat ni Manh ang lahat ng mga pabuya sa kanya dahil kahit na tinatawag siyang bayani ng marami, hindi niya raw matatawag nang ganoon ang kanyang sarili dahil masaya na ito na mayroon siyang nagawang tama.

“Some have sent me money via my phone number. This disorientates me. I don’t want to receive any money I haven't earned by myself… I don’t see myself as a hero. I just want to do good,” ani pa ulit nito.

Source: e.vnexpress

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments