Lalaking Kahahatid Lang ng Invitation Cards Para sa Kanyang Kasal, Patay!

Kasal ang pinakahihintay na araw para sa mga magkarelasyon. Pinag-iisipan at pinag-iipunan na araw. Ito ang araw ng pag-iisang dibdib kung kaya ay ninanais nating masaksihan ito ng ating pamilya at malalapit na mga kaibigan.

Ngunit paano kaya kung ang mas naunang dumating ay ang pagbawi ng buhay habang papalapit ang araw na higit na hinahandaan? Ito ang sinapit ng isang lalaki na idineklarang dead on arrival matapos pumasok ang kanyang minamanehong motor sa may gulong na bahagi ng isang truck at nasagasaan.

Kinilala ang biktima bilang si Jonex Balano sa Facebook. Kasama nito ang kanya sanang magiging asawa na si Melejie Hermoso nang mangyari ang aksidente.

Napag-alaman na kahahatid lamang nilang dalawa ng invitation cards sa mga taong kanilang iniimbitahan para sa araw ng kanilang kasal na sana ay gaganapin ngayong Abril 7, 2021.  

Hindi na nakayanan ng katawan ni Jonex ang sinapit kung kaya ay idineklara itong dead on arrival habang ang kanyang magiging asawa sana ay siyang nakaligtas sa aksidente.

Ang mga larawang nakuha sa aksidente ay ibinahagi ni Karen Gail Poliquit sa Facebook. Kitang-kita sa larawan ang nakahandusay na katawan ni Jonex sa ilalim mismo na harapang bahagi ng truck. Kita naman ang fiance ni Jonex na naupo habang naiiyak sa hindi inaasahang sinapit ng kanya sanang magiging mister.

Inihayag naman sa isang post ng kapamilya ni Josen na si Almie-Almzkie Miemarz-Animelz Abo-Abo-Balano na hindi ito makapaniwala sa mga balitang kanyang natanggap na tuluyang pumanaw na nga si Josen.

“Jun2x nganung ikaw paman,,,,,,, daghan man untag dili maayu diha pasensiya sa words pero unfair lang jud kaayu.....hapit na ang inyung kasal karung april 7 og hapit na unta nku nahuman akung gibuhat na giveaways para sa inyung kasal, mga ribbons para sa parents og mga ninong og ninang. Akung giundangan tungud sa kadaghan og chat sa akua sa messenger about sa nahitabo ninyu. LORD PLEASE LORD bahalag ma postpone ilang kasal ayaw lang intawun siya kuhaa gikan sa amua … Bootan man intawun na akung KUYA LORD nganong siya paman . TANAN mi excited para inyung umaabot na kasal karung April 7, bahalag naunsa ka diha basta buhion lang ka LORD PLEASE LORD malooy intawun ka.”


[Translation]

“Jun2x bakit ikaw pa,,,,, marami naman diyan ang masasama pasensya sa mga salita pero hindi lang talaga patas….. malapit ka na sanang ikasal ngayong April 7 at malapit na sana akong matapos gawin ang mga giveaways para sa inyong kasal, mga ribbons para sa parents at mga ninong at ninang. Hindi ko na muna tinapos dahil sa dami ng mga nag-chat sa akin sa messenger kung ano ang nangyari sayo. LORD PLEASE LORD kahit ma-postpone lang ang kasal nila huwag mo lang siya kunin sa amin… Sobrang bait ni KUYA LORD bakit naman siya pa. LAHAT kami excited para sa mangyayari sanang kasal ngayong Abril 7, di bale na kung ano ang nangyari sayo buhayin ka lang LORD PLEASE LORD maawa ka,” ani ni Almie.

Marami ang nag-abot ng pakikiramay sa nasapit ng lalaki. Hindi naman maiwasan ng mga netizen ang makaramdam ng pagdadalamhati nang malamang ikakasal na sana ito.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments