Isang CCTV footage ang ibinahagi ng nagngangalang Erson Jeff Go sa Facebook group ng Memories of Old Manila & Beyond kung saan kitang-kita sa video ang biglaang pagsipa ng isang lalaki sa babaeng nakasalubong nito na kalmadong naglalakad lang.
Ayon sa New York City Police Department (NYPD) na ang babaeng sinipa ay isang 65-anyos na Filipino-American na naglalakad papunta sanang simbahan nang biglaan siyang sinalakay at tuluyang sinipa at sinabihan umano ng mga salitang “Fuck you!”.
Nangyari ang insidenteng ito sa harap mismo ng 360 W. 43rd St. kahapong umaga, Marso 29, alas 11:40.
Makikita naman sa video na nang sinaktan ito ng suspek ay wala man lang tumulong sa kanya kahit na ang mayroong mga nakakita. Hindi naman nakaiwas sa naging reaksyon ng netizens ang napansing security guard na nakakita sa nangyari ng sinipang ginang ngunit imbes na tulungan niya ito ay tinangkang isara pa nito ang pinto. Hindi lang security guard ang nakakita sa pangyayari, may dalawang tao pa ang nakasaksi. May sasakyan pa ang nakitang dumaan sa mismong parte kung saan natumba ang matanda nang sinuntok ito.
Makikita na hindi lang ito sinipa, sinuntok pa ito ng maraming beses at pinagtatadyakan habang natumba at nakahiga na ito sa gilid ng daanan. Bago tuluyang umalis ang suspek ay sinipa niya muna ang matanda sa mukha.
Sa kasalukuyan ay nasa ospital ang biktima at patuloy na ginagamot ang kanyang natamong sugat at pamamaga sa bandang mukha at pananakit ng kanyang kanang bahagi ng leeg.
Patuloy naman ang NYPD’s Hate Crime Task Force sa pag-iimbestiga sa hindi inaasahan at biglaang pananakit ng suspek sa matanda.
Pinaniniwalaan naman ito ng maraming netizen na ang ginawang pananakit ay isang ‘racial hate crime’ dahil iniisip t sinisisi umano ng mga taong nasa labas ng Asya na Asians ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pandemya.
Hindi na ito bago, sa katunayan ay mas lalo pang lumala ang isyung ito nang naharap ang buong mundo sa isang pandemya kung kaya ay #StopAsianHate ang nai-caption ni Erson sa ibinahaging video.
Hindi man napatunayan pa ng NYPD HCTF na racial hate crime nga ang sinapit ng matanda ay marami ang naniniwala at sumang-ayon na isang pag-aatake sa may lahing Asyano ang krimen.
Hindi mapigilan ng kapwa Pilipino ang maawa at maglabas ng galit hindi lamang sa suspek kundi sa mga dugong banyaga.
“Manggulpi rin kaya tayo dto ng kano puti or itim para patas”, komento ng netizeng si Tothi Puge.
Sarkastikong komento naman ng netizeng si Leo K. Katigbak, “Good ols USA is really on its way down, no longer land of the free, America the greatest nation on earth, land of milk and honey. It’s now land of racists, land of the homeless, bigots, murderers, mass shooting, street opioids, etc”.
Pansin naman ng isa pang netizen sa nakitang CCTV footage,” They all just watched and even closed the door”, na may kasamang galit na emoji sa dulo.
Kahit ano namang lahi kapag sinasaktan ang walang laban at inosenteng tao ay makatuwiran lamang ang magalit.
Hindi lamang ito ang balitang maituturing na Asian hate crime dahil isa lamang ito sa mga nagsisilabasang video ng pananakit sa mga taong may dugong Asyano.
Nagsimulang mag-trending sa twitter ang #StopAsianHate noong Martes, Marso 23. Mahigit 1.5 milyon ang nag-tweet nito bilang paglaban sa deskriminasyon ngayon na tila ay lumalala.
Source: Kiat Media
0 Comments