Dalawang Babae Nahagip ng Isang Motorsiklo Habang Nagbi-Bidyu ng TikTok sa Kalye

Isa ang TikTok sa pinaka patok na social media account na bentang benta sa mga kabataan. Marami ang nahuhumaling dito dahil sa platform na ito pwede ka gumawa ng mga kakaibang contents, pagsayaw, pagkanta at iba pa.

Sa kasalukuyan, ang dami ng mga posts na galing sa TikTok na nag viral sa Facebook dahil umano sa kakaiba, sikat at katawa tawang mga content.

Karaniwan sa mga kabataan ay mas nagaganahan mag Tiktok dahil umano sa mga dance challenge at iba pang kakaibang challenge na naging trending sa Tiktok ang pwede gayahin.

Marami na ang sumubok sa ganitong mga klaseng content kahit na ikapapahamak na ng gumawa ng challenge kapalit ng likes at followers. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit marami ang nadala sa pagti TikTok. 

Sa nakitang Facebook post ng isang concerned netizen na nagbahagi ng isang video tungkol sa isang babae na nag ti-TikTok habang may mga tao na nakatambay sa kalsada. Kitang kita ang pagdaan ng isang motorsiklo at nahagip nito ang cellphone ng babae. 

Makikita sa video ang pasigaw na reaksyon ng mga taong nakakita sa pangyayari. Kitang kita rin na tila nagmamadali ang nasabing motorsiklo na hindi man lang daw pumepreno kahit kitang kita ang mga taong nandoon

Sa post ng babae na sinasabing tiyahin ng dalawang babae na nagti-TikTok, sinabi niya na nag-aantay lang daw sila na harapin sila ng lalaki sa nangyari. Sabi pa niya na alalahanin dapat ng lalaki ang kanyang mga pamangkin na sumasakit ang tuhod dahil sa nasugatan ang mga ito. 

“Sa may-ari ng motor na ito. Nag-aantay lang kami na haharapin nyo kami at ang pinsala na dulot ng pangyayari. Isipin mo sana ang dalawa kong pamangkin na umiiyak dahil masakit ang kanilang mga tuhod dulot ng nangyari kanina,” sabi ng babae sa kanyang post. 

“Pasensyahan na lang, pero hindi namin isasauli ang motorsiklo kung hindi mo kami haharapin… at sa taong tumakas na taga Amonsao/Libo, hindi kami uurong sa paghahanap sa’yo.”

“Sana gawin itong leksyon ng karamihan na nagmomotor dito sa bukid, liit lang po ng ating kalsada. Magdahan-dahan kayo!” dagdag ng babae. 

Marami naman sa mga netizen na nakakita ng post ang nagbigay ng negatibong komento tungkol sa post ng babae. Karamihan sa kanila ang nagsabi na hindi kasalanan ng drayber ng motor ang nangyari.

“Hala, kakaiba to. Alam nyo pala na na masikip lang yung daan bakit diyan kayo nag tambay at nagtiktok? Manahimik kayo. Ang kalsada para yan sa mga sasakyan at motor na dadaan. Hindi para tambayan at Tiktokan.”

“Mga bobo! Kasalanan nyo yan. TikTok ng TikTok sa daan. Kinain na kayo ng Tiktok at pasikat.”

“Ginawa nyo kasing stage ang daan. Sana maging lesson din sa inyo ito na hindi kayo dapat mag tambay at mag tiktok sa daan. At hindi naman mabilis talaga yung motor.”.


“In the first place, bakit dyan kayo sa gitna ng daan na yan yung daanan ng mga kotse at motor. Tanga. Kayo yung may lugi kaso, hindi kayo may-ari ng daan.”

Marami na ang mga insidente na kagaya nito na naging viral dahil sa pag ti-TikTok. Ngunit hiling ng karamihan na sana maging leksyon to sa lahat na hindi dapat gawing Tiktok place ang kalye. 

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments