Umuugong ngayon ang usapan tungkol sa naging reaksyon ng isang social media influencer matapos ipinakita ng isa sa kanyang mga kaibigan ang kanyang mga lumang photos sa isang TikTok video.
Kumalat ang video ng isang sikat na influencer na si rosmar Tan. Marami na ang nakakita sa nasabing video at ang iba ay pinagtawanan siya ng mga ito.
Hindi mapigilan ni Rosmar Tan na maging emosyonal at sa kalagitnaan ng video ay napaiyak nalang siya dahil sa tindi ng pambu-bully sa kanya. Hindi niya napigilang umiyak sa harap ng publiko dahil sabi niya hindi biro na maranasan na i-bully ka.
Ang dapat sana ay biruan lang na video ay nauwi sa isang emosyonal at tunay na pang bu-bully. Banggit pa niya, hindi lang siya ang nasaktan sa ginawang video kundi pati mga magulang niya ay sobrang naapektuhan sa nakitang video.
Sa kanyang video, ibinahagi niya na hindi biro ang kanyang pinagdaanan at sobrang tagal niyang pinaghirapan na magkaroon ng tiwala sa kanyang sarili kaya labis na lang ang kanyang pagkalungkot noong nakita niya ang video.
“Iba kasi ang biro ng kaibigan lama mong walang intensyong masama si kuya @goodsamarkitan pa mismo nagsabi na di di ako retoke,” caption ni Rosmar sa kanyang stitch video sa Tiktok.
Sa kabila ng pagiging emosyonal ni rosmar, marami ang naghatid ng kani-kanilang mensahe sa nakitang video. Marami ang nagsabi na hindi biro ang nasa ganitong sitwasyon.
“Don’t cry! We are beautiful because God created us that way. Cheer up! Don’t mind them.”
“Hayaan nyo po sila. Stay strong lang po inggit lang nyan sila sayo. God bless you and your family maam.”
“Cheer up po ate ganda. Kaya mo yan. Inggit lang yang mga yan kasi mas maganda ka sa kanila yung mga ganyang tao, asal hayop yan di asal tao. Basta pray lang po.”
Isang social media influencer din ang nagpakilalang Swerab Smith ang nagpost ng duet video sa pinost ni @goodsamarkitan na ipinakita ang mga lumang photos ni Rosmar. Ngunit walang intensyon si @goodsamarkitan na i-bully ang kanyang kaibigan.
Ngunit sa isang tweet ng isang sikat na TikToker din sinabi niya doon na asaran lamang pala ang lahat ng nakikita sa video. Natawa daw siya dahil nakita na lang niya na umiiyak na sa Tiktok si Rosmar Tan.
@Zendeeofficial: Yung nag aasaran naman silang dalawa sa GC, tawa ka pa ng tawa, tapos sa tiktok iiyak iyak na bully kuno? Sabihin na natin na na bully ka nga, pero diba ganun ka din, umiiyak ka because?
Marami ang hindi natuwa sa post ni Zendee. May ilan na sinasabing lumabas na raw ang tunay na ugali ni Zendee.
“Anong klaseng friend ka Zendee masyado ka one sided hahaha. Pag ayusin mo d yung sa twitter ka kuda nang kuda.”
“Yes, nag aasar sa gc and hindi kasali dun yung i wallpaper yung mukha ni Rosmar sa cp ni Swerab. Below the belt. Cmon promoting bullying.
“Iba ang GC kaysa public… Idol ko pa naman tong si zendee..Imbis na pag ayusin nag post pa. Hay naku.”
Sa video naman na ipinost ni Rosmar, nag comment si Swerab at sabi niyang “Ahaha best actress siya oh! Love you bessy! Ahaha.”
Nilinaw naman ni Rosmar na ang post na video ni @goodsamarkitan ay walang inetnsyong manakit sa kanya. Hindi tulad ng ginawa ni Swerab na pinagtatawanan siya at ang dami pang mga masasamang comments.
Rosmar Tan: At hindi niya ako pinagtatawanan. Di tulad ng tawa nyo na parang wala ng bukas.
Sa kasalukuyan, burado na ang ginawang bullying video kay Rosmar sa TikTok account ni Swerab Smith. “Video isn’t available.”
Source: Kiat Media
0 Comments