Ina, Mag-Isang Nagdiwang ng Kaarawan; Netizens, Nakisabay sa Pagkanta ng “Happy Birthday”

Happy Birthday to You! Happy nga ba? Isang video na naman ang kumalat sa social media matapos maantig ang puso ng mga netizen sa isang babae na na-ispatang mag-isang nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Ibinahagi ng isang TikTok user na si @jhayvee44 ang video na kumalat na naging viral maging sa Facebook. 

Makikita sa isang video ang isang babae na mag-isang nakaupo sa isang kainan na may dala-dalang cake.

May kausap ito sa telepono at biglang nakitang umiiyak at nailing matapos ang kanyang pakikipag-usap sa telepono.

Kita sa video na nilapitan siya ng waitress upang bigyan ng posporo para sindihan ang kanyang dala na cake habang sabay na pinupunasan ang kanyang mga luha.

Una siyang nilapitan ng waitress dahil nakita na nito na umiyak siya habang kinakantahan ang kanyang sarili ng Happy Birthday.

Nakita nalang ng mga taong kumakain doon na dahan-dahang binuksan ng babae ang kanyang cake at mag-isang kumakanta habang sinasabayan ng pagpalakpak.

Para naman maibsan ang nararamdamang lungkot ng babae, sinabayan siya ng mga tao doon sa pagkanta at at nagsilapitan ang mga tao. 


Makikita sa reaksyon ng babae na natuwa siya sa ginawa ng mga tao at sa pagpapakita ng pagmamalasakit sa kanya. Kitang kita ang pagkagalak ng babae sa kanyang mukha.

Inulan naman ng samu’t saring komento ang umanong video at may iba talaga na hindi napigilan na mapaiyak sa nakuhang video na unang nag-viral sa TikTok.

“GRABE IYAK KOOO!!! AYAW KO MARANASAN NG MOMMY KO TO.”

“When I was watching this video, I felt the rain in my eyes. Yung feeling na kahit minsan hindi ko naranasan magkaroon ng magulang, pero ramdam.”

“I can’t imagine myself doing that. She is trying to be happy by herself. That’s really sad. I cried a lot.”

“It’s really painful for me seeing a mother like that.”

Makikita sa video na ang mga tao naman ay sumusunod sa safety protocols at ang tinatawag nating new normal dahil ang mga taong nakikita ay nagsuot ng face masks.

Marami ng mga nakakaantig na kaganapan na aktong nahuli cam ng mga concerned netizen at ini-upload sa social media para magbigay ng kaalaman at maging updated sa mga kaganapan sa lipunan. 

Ang social media ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga videos na ang nakikita at nag-viral. Maraming mga tao ang natutuwa nito dahil ito ay naging paraan na din nila sa pagkuha ng karagdagan impormasyon.

Panooring ang buong video dito!
@jhayvee44

Ang Sakit Lang😥♥️#xyzbca #fyp #trending #followparty #foryou #ctto

♬ original sound - Jhayvee Bernaldo - JHAYVEE🇵🇭

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments