Trending na trending si Rosanna Roces matapos napag-alaman na hinahampas pala niya ang isang staff pag di nagustuhan ang damit na ipapasuot.
Nitong mga araw lamang, nagpost si Rosanna ng conversation nila ng kanyang production designer na si Winston Acuyong.
Sa kanilang convo, ibinahagi ni Winston na isang beses ay inihagis ni Rosanna ang sapatos sa bubong dahil hindi niya nagustuhan ito.
Agad naman ito nakarating sa online community at sa halip na iba-bash si Rosanna ay pinuri siya ng mga netizens dahil sa kanyang honesty at pag admit sa kanyang pagkakamali.
Inamin naman ni Rosanna na kapag hindi talaga niya nagustuhan ang damit na ipapasuot ay talagang inihagis niya or hinahampas niya sa mismong tao na nagpapasuot nito sa kanya.
“Proof na isa na akong gagang nilalang noong araw. Wardrobe ito ng #LaVidaRosa na ngayon ay pinagpipitagang Production Designer na si @winstonbacuyong,” sabi ni Rosanna.
"Pag ayoko talaga ng pinapasuot nila kung di ko itatapon ihahampas ko sa nagpapasuot. Susmaryosep kaya ngayon puro yakap ako sa mga nagdadamit sa akin.”
Alam ko kasi dati nasaktan ko sila. Bawi bawi din pag may time. Diyos ko love ko kayong lahat," dagdag pa ni Rosanna.
Marami namang mga netizen ang nakuha ang atensyon ng nasabing post ni Rosanna at agad nagbigay ng mga kani-kanilang komento.
“She knows her mistakes before at least now alam na niya pahalagahan kung ano ang mang meron siya.”
“Pero ngayon tinatawanan niya na lang lahat ng yan. Those were the days nga naman.”
“Nakakabilib. It takes so much to owe up to past mistakes. Mabuhay kayo.”
“That’s why bumabaha na blessing sayo ngayon Ms. O kasi you have learned your lesson.”
Si Rosanna Roces o mas kilalang Osang ay isang sexy drama aktres. Pinasok ang Showbiz bilang contract star ng Seiko Films at nakilala bilang Ana Maceda. Pagkatapos ay nag star siya sa film na “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin” ng Reyna Films.
Nabanggit din ni Rosanna na hindi niya gusto na gawing pelikula ang kanyang buhay dahil walang matutunan ang mga manonood nito.
Source: Kiat Media
0 Comments