Isang post ang nag-viral sa social media matapos ipinarating ng isang netizen ang nahuli sa akto na isang matandang babae na nagtitinda ng mga school supplies sa Novaliches Bayan, Quezon City.
Si Eloisa Gicar, 65 taong gulang, ay isang dating guro na nawalan ng trabaho matapos magsara ang pribadong paaralang pinagtuturuan.
Naantig ang puso ng netizen na nakahuli sa akto ni Ma’am Eloisa sa sinabi nitong, “Kuhaan mo ako ng picture, ilagay mo sa Facebook para marami bumili sa akin.”
“If ever dadaan kayo sa Savemore Glori (Novaliches Bayan), please bili kayo kay Nanay kahit isa lang, sobrang malaking bagay na ‘yun sa kanya, araw-araw daw po siya sa tapat ng Savemore! Isa po siyang teacher before kaso nawalan ng work dahil nagsara yung school. Sa Caloocan pa po sya nakatira,” saad ni Palma sa kaniyang Facebook post.
Pinili na lamang ng guro na magtinda ng mga school supplies at iba’t ibang mga kutkutin para may pantawid sa araw-araw na pangangailangan.
Sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), maraming mga guro na nagtuturo sa mga pampribadong paaralan ang nawalan ng trabaho dahil sa kaunting mga enrollees.
Sa post ng isa pang concerned citizen, unang naitamapok na-ispatan siyang nagtitinda ng tinapay sa gasolinahan at may hawak na karatulang “Please buy me po” sa Quezon City.
Sabi ng netizen, sobrang nasaktan daw siya na makita ang mga ganitong guro na nawalan ng trabaho at nagbebenta pa sa labas para lang makaraos. Bigla agad naalala ng netizen ang kaniyang mga guro noong nag-aaral pa siya.
Dagdag pa ng netizen, “If only I have extra time gusto ko siya i-treat sa katabing Jollibee kaso kailangan na rin maka uwi.”
Nanawagan siya sa lahat ng mga makakita ng post niya na sana ay matulungan ang naturang guro na siyang naging pangalawang magulang na natin at tumulong sa atin na matupad ang ating mga pangarap.
“Nakausap ko na po ‘yung isang anak ni Ma’am Eloisa. Sa mga gusto po mag-send sa kanya ng kaunting halaga, nasa Facebook post ko po ang G-Cash number ng anak niya,” update ng netizen sa kaniyang post.
Isa ang mga maliliit na pribadong paaralan ang tuluyang naapektuhan sa pagdating ng pandemya. Kumukunti ang kanilang mga enrollees at sa gayon maraming guro ang nawalan ng trabaho.
Source: Kiat Media
0 Comments