Rita Avila, Nagreact Sa Nangyaring Pagkamatay ng Isang Senior Citizen sa Kalagitnaan ng Community Pantry ni Angel Locsin

Kalat na kalat na sa iba’t ibang lugar ang tinatawag na community pantry na kung saan lahat ng pagkain na nakalagay sa istante o mesa ay libre. Para hindi magkagulo ang mga tao at maging fair sa lahat, kumuha lang ng ayon sa pangangailangan at magbigay ayon sa kakayahan. 

Nakakatuwang isipin dahil sa gitna ng pandemya, naisipan pa rin ng mga tao ang ganitong movement. Marami pa ring mga tao ang ninais na tumulong sa mga kapwa nila. 

Ang community pantry ay itinayo para matulungan ang mga taong walang wala talaga o di kaya’y nahirapang sustentuhan ang kanilang makakain sa araw-araw. Sa likod ng mga community pantry na ito, may mga taong taos-pusong nagbigay upang makatulong.

Ngayong araw lang, napabalita na nag initiate ng community pantry si Angel Locsin. Sa halip na magkaroon ng bonggang selebrasyon para sa kanyang kaarawan, naisipan niyang magkaroon ng kanyang community pantry sa Quezon City.

Maraming mga tao ang dumagsa sa community pantry ni Angel at nagtiyagang pumila para may madala sa kanila pag-uwi. Isa na dito ay ang isang senior citizen na lalaki.

Naging trahedya nga lang ang nangyaring pagtulong nang may napabalitang lalaki na nahimatay sa kalagitnaan ng kanyang pagpila. Ang sinasabing lalaki ay si Rolando dela Cruz, 67 taong gulang.

Agad namang may nakarating na rescue sa Barangay Holy Spirit lugar na kung saan nangyari ang trahedya. Isinugod agad si tatay Rolando sa East Avenue Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival.

Mabilis na kumalat ang balita sa social media at may mga netizen na nagbigay ng kanilang mga pahayag at sinabi na kasalanan daw lahat ng aktres ang nangyari. Walang pwede sisihin kundi ang aktres lang. 

“This is how the “Laos” star works..whose intention is very mystical...instead of a helping hand...look at the end result. DEATH FATALITIES.”

“Hindi ka nakatulong. Ginawa mo naman ulit. You are a covid spreader.”

“Ilang bese ka na ba nag violate? Kaya dumami case ng covid dyan sa Pinas dahil dun sa rally na ginawa mo! Ngayon pa ba? Tsk. Dinaan nyo naman sa community pantry! Duh.”

Agad naman nag post sa social media si Angel at inako na siya ang may kasalanan sa pagkamatay ni tatay Rolando at humingi rin siya ng tawad at pasensya sa pamilya ng namatay at nangako na ipa-priority ang pagtulong sa kanila.

Sa kabila ng pambabatikos kay Angel, agad naman siya pinagtanggol ng kapwa niya aktres na at pagkaipit niya sa nangyari, agad naman siyang ipinagtangol ng kanyang kapwa aktres na si Rita Avila.

Sinabi ni Rita sa aktres na hindi kasalanan ni Angel ang pagkamatay ni tatay Rolando.

“His death is not your fault at all but yes, it is sad that it happened on your bday pa. Condolences to the family of Tatang,” comment ni  Rita sa post ni Angel.

Humingi na rin ng pasensya si Angel sa di inaasahang pangyayari sa kanyang ginawang community pantry.

Sa kanyang Instagram, nagpost si Angel ng isang announcement ng kanyang plano na gumawa ng isang community pantry bilang pagbigay karangalan sa publiko ang nagawang mga pantries na laganap na sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.

Source: KAMI

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments