Janus del Prado May Pinaparinggang ‘Coward’ sa Kanyang Cryptic Message sa Kabila ng Bea-Gerald Isyu

Nag trending ang post ni Janus del Prado sa kanyang Instagram matapos umano may pinaparinggan na isang ‘coward’ sa kanyang lengthy cryptic message.

Sa kanyang post, iginiit niyang ang tunay na lalaki ay humihingi na apologize sa kanyang mga pagkakamali at pagkukulang.

Ikinumpara niya ito sa isang ‘coward’ na ginagawa ang nag pa-playing victim, manipulate at nagsisinungaling. 

Si Janus ay kilalang kaibigan ni Bea Alonzo at masasabing ang post na iyon ng aktor ay tungkol sa isyung Gerald-Bea.

“A real man will apologize for his mistakes and accept his shortcomings to try to become a better version of himself,” post ni Janus sa kanyang Instagram.

“A coward will lie, manipulate, redirect, blame and play the victim role just to save face,” dagdag ni Janus.

Sa nasabing post, walang na-mention na pangalan ng aktor. Maraming mga netizen ang bumuo agad ng mga haka-haka na ang post na ito ay para kay Gerald.

Sa kanyang post, sinabi din ng aktor na “no regrets” and patience.

Samantalang umani din ng maraming likes ang post  ni Gerald sa kanyang Instagram account.

“The best things in life come with patience,” caption ni Gerald sa kanyang post. 

Si Janus Renato Robles Mateo III o mas kilala bilang Janus del Prado ay isang aktor at dating talent ng Star Magic.

Maalalang si Janus ay nagkaroon ng isyu tungkol sa kanyang dating network at nagdesisyon na itong hindi na mag renew ng kanyang contract. Naging talen siya ng Star Magic sa loob ng 21 years.

Si Janus del Prado ay 15 taong gulang pa lang nang siya ay naging parte ng industriya.

Medyo mainit init pa rin ang ‘tell-all’ vlog ni Bea tungkol sa kanilang naging hiwalayan ng kanyang dating boyfriend na si Gerald Anderson.

Naging viral din ang interview na ito ni Bea matapos niya sinabi lahat ng kanyang mga gustong iparating kay Gerald at maging ang mga natutunan nito sa kanilang relasyon. 

Sa kabilang banda, ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson ay may bago ng girlfriend na si Julia Barretto na siyang itinuturing dahilan sa kanilang hiwalayan. 

Inamin naman ni Bea sa kanyang ‘tell-all vlog’ na hindi pa siya handa sa isang panibagong relasyon.

Source: KAMI

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments