Hindi pa rin maka move on ang mga netizen sa nakakagulat na tungkol sa nangyaring cheating at third party sa mga sikat na YouTube vloggers na sila Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Ang YouTube vloggers at real life couple na sumikat sa loveteam na “Jamil” ay niyanig ang buong online community matapos kumalat ang kanilang isyu.
Nitong mga nakaraang araw lamang, ang daming kumakalat na mga posts tungkol umano sa naging mga babae ni Jayzam. Hindi lang isa kundi apat yung mga naging babae na kalat na kalat na ang mga photos at mga ebidensya sa social media.
Maraming mga pangalan ng mga babae ang naglabasan at mga photos ng sinasabing naging mga karelasyon ni Jayzam habang nasa iisang bahay sila ni Camille.
Ang isyu na ito ay dumating na rin sa programa ni Raffy Tulfo na agad naman nakakuha sa atensyon ng mga netizen sa ginawang paghaharap ng apat na nadawit sa umanong isyu.
Sa programang Tulfo, unang tinanong ni Raffy Tulfo si Camille tungkol sa kumakalat na isyu na kung ano ang gusto niyang sabihin sa dalawang babae na naging kabit ni Jayzam.
“Unang una palang alam na nila na may kabahay na ang ang tao di ba, so bakit nila ginagrab yung pagcha-chat ng boyfriend ko? Kung matino kang babae, rereplyan mo ba kahit ano yung sabihin sayo, diba?,” sabi ni Camille.
“Sobrang nonsense ng lahat ng sinasabi nila. Kung meron kang matinong pag-iisip sir Tulfo, papatol ka ba? Diba, hindi naman.”
“Ako as babae kahit may mag chat man sakin kahit sino man diyan o anumang ipakita sakin pera sasakyan, hindi ko papatulan, sir Tulfo.”
Nagbigay din ng komento si Raffy tungkol sa isyu na hindi lang kasalanan ng mga babae ang nangyari na may kasalanan din si Jayzam. Sinabi niya na kung ayaw tukain ang palay, hindi talaga tutukain ang palay.
Sinabi rin niya na naiintindihan niya si Camille dahil labis itong nasaktan sa nangyari. Kaya nasabi niya na grabe ang simpatiya na ipinakita ng mga fans niya sa kanya.
“Wala po akong pakialam sa simpatiya. Ang gusto ko lang po ay lumabas yung katotohanan,” sabi ni Camille.
Sinabi ni Camille sa programang Tulfo na chinat niya ang kanyang ex-boyfriend nga gabing iyon dahil nalungkot siya at walang magawa dahil chinat niya ang isang babae na nagngangalang Nyca Bernardo na walang kaalam alam.
“Wala akong magawa, gusto kong magsalita gusto kong maglabas, pero naisip ko nalang na ichat yung ex ko which is bf ng Dumbie na may pamilya na sila,” sabi ni Camille.
Inamin naman ni Camille na nitong mga September at October ay naging malabo na sila ni Jayzam. Away bati na sila ng kanyang nobyo.
Kaya sinabi niya na ito yung dahilan na pumasok itong si Nyca Bernardo at paniwalang paniniwala sa mga sinasabi ni Jayzam.
Raffy Tulfo: Ibig mo sabihin, nabola sila ni Jayzam?
“Hindi ko alam. Pwede nyo rin kausapin si jayzam para malaman nyo ang totoo,” sagot ni Camille.
Nagsalita naman si Jayzam at inamin ang kanyang naging kasalanan sa kumakalat na isyu ng mga naging babae niya habang binabahay na siya sa Camille.
Jayzam: “Ako po yung may pinaka may kasalanan po dito at hinaharap ko naman po yun bilang lalaki po at si Camille po talaga ang biktima dito.”
Sinabi rin ni Jayzam na sinabihan na niya ang dalawa na aayusin nila ang pagkakamali in private. Pero nagulat na lang siya nang may kumalat ng post sa social media na hindi naman totoo.
“Parang nakonsensya po ako sir Tulfo na pinagtatanggol ko yung sarili ko na may tinatago kay Camille,” sabi ni Jayzam.
Si Dumbie na isa sa umanong naging babae ni Jayzam ang siyang sinasabing nag reach out sa programang Tulfo. Gusto niya raw linisin ang kanyang pangalan at imahe sa publiko.
“Ito na Jayzam sabihin mo naman sa mga tao na wala tayong relasyon. Wala naman tayong napag-uusapan na gusto kita, gusto moko. Hindi naman tayo nagkaroon ng feelings sa isa't isa,” sabi ni Dumbie.
Dumbie: Pinakaayaw ko dito na nagpost si Camille na wala namang permission yung panget eh kasi nasira ako ng sobra.”
“Yung pamilya ko na depress yung trabaho ko nawala. Yun na nga yung way eh para di ako maging pabigat sa pamilya ko nawala pa,” dagdag pa niya.
Sumagot din ang mommy ni Dumbie na gusto lang niya malinis ang pangalan ng kanyang anak. Linawin sa publiko na walang relasyon si Dumbie at Jayzam.
Sa kabilang linya naman, nakausap din nila si Nyca Bernardo at inamin naman nito ang kanyang pagkakamali at humingi din ng tawad kay Camille.
Nyca: Hindi ko po talaga alam. Feeling ko po kasi iniwan niya ako sa ere. Kasi nung gabi magkausap tay, sabi ko kaya mo yan. Matagal na po kami lumayo sa isa't isa sir Raffy.
Jayzam: Huwag na po sana nla isipin yung pagmamalinis nila sa imahe nila kasi ako po hindi ko na po iniisip yun. Ang mahalaga lang po sanay magising na po kami sa katotohanan na sabay sabay na po kaming mag move forward.
“Ako din naman po nawalan din po ako ng magandang imahe sa publiko. Pero huwag naman sana nila kwestiyunin yung karapatan ni Camille na magalit sa kanila.”
Habang patapos na ang programa, hindi napigilan ni toni Fowler na ibigay ang kanyang opinyon tungkol sa isyu:
“Napagdaanan ko po yah sir raffy. Yung mamura ka normal, pero yung lumabas ganun talaga kasi consequence yun ng ginawa mo at napagdaanan ko yan lumabas din ang isyu na ganyan
“Kailangan nalang po nilang tanggapin.”
Lumandi ka kasi sa may jowa. Kung mapapahiya ka mababash ka , tanggapin mo, diba.”
Sincere naman na humingi ng public apology si Jayzam sa lahat ng mga kalalakihan na nadamay pa sila dahil sa isyung marami naman ang makaka relate. Sinabi naman ni Jayzam na handaa niya itama lahat at baguhin ang kanyang sarili.
Mensahe din ni Camille sa lahat na sana’y huwag ng manggulo pa kapag alam na okay naman ang buhay ng mga tao at lalong lalo na kapag may kabahay na at sana ay maging leksyon ito para sa lahat.
Source: Kiat Media
0 Comments