Babae, Grabe ang Iyak Matapos Ninakaw ang Kanyang Mamahaling mga Bulaklak

Simula nang pandemic, marami na ang nahumaling na mag-alaga ng mga tanim bilang pampatanggal ng stress. Maraming mga tao ang naging “plantito at plantita” dahil sa umano’y nahilig na itong mag-alaga ng mga flowering at non-flowering plants.

Kalat na kalat sa social media ang isang plantita na ipinost ng anak sa social media matapos nagulat sa pagsigaw ng kanyang ina.

Ayon sa kanya, dinig na dinig niya ang grabeng pag-iyak ng kanyang ina matapos ninakaw nitto ang kanyang mga bulaklak.

Sabi sa post ni Prince Salva (anak) may kamahalan daw ang bulaklak na iyon kung kaya’t ganun na lang ang pag-iyak ng kanyang nanay.

Ilan sa mga ito ay ang bulaklak na Pink Princess, aglaomena, Philodendron, crimson, prayer plant, monstera at marami pang iba.

Nasabi rin ng kanyang anak ang labis na pagkalungkot at hindi maintindihang pakiramdam matapos nalamang ninakaw ang mga inaalagaan niyang mga bulaklak.

Maraming mga netizen naman ang nagbigay ng kanilang komento. May iba na relate na relate sa umanong sitwasyon.

“Ako rin pinagnakawan. 19 yun lahat, sako, pati paso dinala pa. Mahal pa naman ng garden soil, paso at tsaka yung mga bulaklak.”

“Ganyan din yung nangyari sakin, tatlong beses na. Unang beses at pangalawa, binalewala ko lang. Pero yung pangatlo na, dami na ng kinuha. Dinelete ko yung mga picture dahil nalulungkot ako pag nakikita ko yun.”

“Grabe yung magnanakaw. Baka kilala mo lang po siya mam dahil kabisado siya kung ano yung nanakawin niya. Yun pa talagang mga royalties, mga may kamahalan na mga bulaklak.”

“Sakit sa pakiramdam na nakawin lang yung pinaghirapan mong diligan kada araw, lalong lalo na pag binili mo mismo yung bulaklak plus yung paso at garden soil. Ang laki ng gastos tapos nakawin lang hohoy…”

“Walang konsensya talaga yung mga tamad, hindi marunong mag-alaga ng tanim. Magnanakaw na lang para may ipagbili rin. Karma na po ang sa inyo.”

“Yan kasi pag inggitera. Gusto naman pala ng bulaklak. Di naman gagastos kaya nakadepedende nalang sa panghihingi at nakaw. Hindi plant loverr ang kumuha nyan! Magnanakaw talaga”

Matandaang nagsimula ang pagkahilig ng mga tao sa mga tanim (flowering at non-flowering plants) nang nagsimulang mag quarantine at lockdown. Ang iba ay ginawa itong “stress reliever” para naman hindi masyadong ma-istress sa pandemya.



Marami ring mga netizen ang nahiligang bumili ng mga bulaklak. Karaniwan ang nahihilig sa mga bulaklak ay mga nanay na masyadong maalaga pagdating sa kanilang mga pananim.

May mga kumalat din na posts sa Facebook na ipinahiwatig nila na mas mahal pa ng kanilang mga ina ang mga bulaklak at mga tanim nito kaysa sa kanila. Pero nilinaw naman nila ito na pawang katuwaan lang at marami ring mga netizen na sobrang naka-relate sa mga posts.

Sa katunayan, ang pagnenegosyo ng mga non-flowering plants at flowering plants ay naging patok din sa online buy and sell.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments