Yam Concepcion, Minura si JM De Guzman Habang Nasa LIVE Interview

Sa isang live interview nila ng mga casts sa “Init sa Magdamag” naging usap-usapan ang live interview matapos murahin umano ni Yam Concepcion si JM de Guzman.

Ang live show na pinagdaluhan ng tatlo ay ang #WeRiseTogether LIVE session na kung saan isa mga hosts ay si Markus Paterson, tinanong niya kung ano ba ang pakiramdam na magkatrabaho silang tatlo.

Ang tanong na ito ay ibinato kay Yam Concepcion at noong una ay naging pormal pa ang kanyang sagot.

Ayon kay Yam, working with Gerald at JM ay mas nakilala niya ang dalawa on a deeper level.

“Mas nakilala ko silang dalawa.”

Dagdag pa niya, na sobrang natural at effortless lang ni JM sa pag acting.

“Makikita mo yun talaga yung gusto niyang gawin. Acting talaga is really for him. I think ipinanganak siya as an actor talaga.”

Ngunit sa kalagitnaan ng live interview, biglang nagmura si Yam at napasabi ng “pakyu.”

Agad naman itong nakuha ang atensyon ng DJ na si DJ Jhaiho at ni-remind si Yam na nasa live session sila.

“Hoy! Live tayo Yam! All over the world mapapanood tayo.” 

Mas dumoble pa ang katatawanan matapos napagsabihan si Yam na nasa live show sila.

Ilan din sa mga napag-usapan nila ay ang mga nagawang sakripisyo para sa pagmamahal.

“Marami na yata akong na sacrifice. Worth it naman kasi choice mo yun,” sabi ni JM.

“Sacrifice? marami na rin akong nabigay para sa pagmamahal. Kapag mahal mo ang isang tao at ginagawa mo ang dapat, tuloy lang ang buhay,” sagot naman ni Gerald.

Kaugnay nito, marami din sa mga netizen ang labis na pinaalalahanan siya na mag-ingat kay Gerald Anderson dahil sa mga nakaraang mga isyu nito.

Ang “Init sa Magdamag” ay tungkol sa init ng pag-ibig. Iba’t ibang klase ng pagmamahal, pagmamahal sa pamilya, sa trabaho at love romantically.

Ito ay umiikot sa kwento ni Rita (Yam Concepcion) na may dating relasyon kay Tope (Gerald Anderson) at pinakasalan si Peterson Alvarez (JM de Guzman). Ito ay tungkol sa kung ano ang kaya mong isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.

Source: kami

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments