Nabulabog ang online community matapos nagsumbong ang isang lalaki sa pambansang sumbungan laban umano sa pambansang kamao na hindi daw siya binayaran sa utang nitong 2. 1 million sa inuupahang lote para sa itatayong business na sabon.
Sa programa sa PTV 4 na Bitag, umapela ang isang lalaki sa programa na nagpakilalang si Joselito Nazaire na may-ari ng isang lote sa Silang Cavite na nirerentahan ng mga tauhan ni Senator Manny Pacquiao.
Sabi ng lalaki na ginawa itong warehouse ng mga equipments at mga raw materials na dati niyang business na Universal Green Solution Industries Inc.
Ani niya, magmula noong July 2017 hanggang May 2018 binabayaran pa siya pero simula noong May 2018, wala na siyang natanggap na bayad mula sa senador hanggang sa kasalukuyan.
“Magmula po noong July 2017 hanggang May 2018 eh, nabayad naman po sila subalit nong magmula po noong 2018 hangang March 2021, eh hindi na po ako nila binayaran.
“Lagi akong humihingi ng tulong sa kanyang pinsan na si Miraflor Mantalaba. Hindi naman po siya tumatawag o nagtete-text kung ano yung pinag-usapan nila…”
Ayon kay Joselito, nagpunta si Senator Manny noong 2017 pa lang nang nag ocular inspection siya.
Nabanggit din niya na binigyan siya ng 1 month deposit ni Joy Tan, staff ni Manny na nagkakahalaga ng P380,000. Ngunit makalipas ang 10 buwan, hindi na nagpakita umano sa kanya.
“Naglakas loob na po akong pumunta ng Senate. Ang itinuro pong kausapin ko ay si May Mantalaba. Lagi po siyang nangangako na i-update nya ako sa opisina ni senator,” sabi ni Joselito.
Sinabi rin ni Joselito na noong February 4, 2019 pinag-antay daw siya ng isa sa mga staff ni Manny para kausapin siya. Ngunit nalaman niya itong wala sa session ang senador.
Sinabi ni Joselito na June 2020 ang huling pagbisita sa kanya ng mga staff ni Manny.
Nang tinanong siya ng host ng programa na si Ben tulfo tungkol sa isyung ito, sinabi niya na malaki ang tiwala niya kay senator Manny.
Ben Tulfo: Ano ang nagtulak sa’yo Joselito na hinayaan mo silang mag occupy na wala pa kayong kasulatan at kasunduan?
Joselito Nazaire: Tiwala po. Kilalang tao po kasi.
Kinausap naman ni Ben Tulfo ang pinsan ni Senator Manny Pacquiao na si Miraflor Mantalaba para bigyang linaw ang isyu.
Ben Tulfo: Nakaabot ba ito kay Senator Manny?
Miraflor: Opo, sir. Sinabihan po siya na mag-antay, ganun.
Agad naman nilinaw ni Miraflor na hindi niya utang iyon ni Joselito. Depensa niya na may inutusan si Senator Manny para gumawa ng cheke.
Si David Sison na nasa General Santos City sa kasalukuyan ay isa sa mga staff ni Senator Manny na siyang inutusan niyang gumawa ng cheke.
Nitong February 2021 lamang inutusan si David Sison na gawan ng cheke si Joselito para mabayaran na ang nasabing utang nito.
Nanawagan naman ni Ben Tulfo kay David para agad na masolusyonan ang isyung ito.
“Natutulog ka ba sa Bonsitan? Nag uutos na Senator Manny sa pamamagitan ng pinsan niya na bayaran mo na. Kung nanonood ka man, ikaw yung target namin, person of interest ka,” tugon ni Ben Tulfo.
“Walang kinalaman si Manny dahil nagbigay na siya ng utos.”
Nilinaw naman ni Ben Tulfo na hindi niya dinepensahan si Senator Manny Pacquiao dahil sa kaibigan niya ito.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin na kinukuhanan ang komento ni Sison sa programang PTV 4 para malinaw na ang isyung ito.
Source: Kiat Media
0 Comments