Ang Kwento sa Likod ng “Superwoman” na Itinaguyod ang Dalawampung Anak

Kahapon lamang ay ating ipinagdiwang ang Mother’s Day na kung saan binigyan natin ng papuri ang ating mga ina dahil sa kanilang mga sakripisyo at pagmamahal para sa kanilang mga anak. 

Maraming mga kwento ng naglabasan tungkol sa kung gaano kasarap at kung gaano rin kahirap ang maging ina. May mga kwento na labis na nakakaantig sa puso ng mga netizen tungkol sa mga nanay na may maraming anak at kung paano nila ito naitataguyod.

Noong taong 1968, ang Barrameda Family ng Canlubang, Laguna, ay isa sa mga pinarangalan ng bilang Ten Outstanding Christian Family of the Year na ginanap sa Philamlife Auditorium sa U.N. Avenue Manila.

Sa parangal na iyon, si former President Ferdinand Marcos ay ang special na guest sa naturang pagtitipon. Nagpahayag pa ng kanyang talumpati ang dating presidente na nagulat daw siya sa isang ina na may 20 anak.

“If I should have known, I should have brought the first lady,” sabi ni former President Marcos sa kanyang talumpati.

Ang dahilan ng pagpapahayag ng dating pangulo sa kanyang pagkagulat ay dumalo nito ang ina kasama ang kanyang 20 anak at maging ang kanyang asawa. Kumpleto silang dumalo sa nasabing pagtitipon para sa parangal. 

Ito ay ang pamilyang mag-asawang Pedro Barrameda at Rosario Almeda Marfil at ang kanilang dalawampung anak na sina Ernesto, Myrna, Elsa, Marina, Cecilia, Danilo, Raul, Maria Fe, Editha, Corazon, Pedro Jr., Sylvia, Maria Rosario, Jose, Loida, Mario, Ramon, George, Oscar at Noel. 

Si Jose Barrameda o Joebarr ay siyang entertainment writer na nakapanayam ng Cabinet Files tungkol sa kanilang pamilya at kung paano ang “superwoman” o ang kanilang ina ay ni minsang hindi nagreklamo dahil sa napakarami niyang anak. 

“Twenty four kami na magkakapatid pero yung apat, namatay agad nang isilang kaya twenty lang ang nabuhay,” sabi ni Jose. 

Ang naobserbahan ko noong araw, mabilis manganak si Mamang. Maliligo lang siya, aalis ng bahay after lunch 'tapos pagbalik niya, may anak ng dala.”

“Komadrona ang lahat ng nagpaanak sa amin sa ospital sa Canlubang.”

“Si Mamang, matanda na pero nagbubuntis pa. Meron pa nga, nagsukob sa taon. The same year sila ipinanganak.

“Premature kasi yung isa. Ipinanganak ng January 1955 yung isa, yung sumunod, isinilang ng December 1955 dahil premature baby.

Sinabi naman ni Jose na wala siyang karapatan na tanungin ang kanyang ina na kung bakit marami sila. Si Jose ay isinilang at lumaki sa Canlubang, Laguna noong January 19, 1954. Ang Canlubang ay hacienda ng Yulo Family at kilalang kilala ang pamilya ang mag-asawa sa naturang lugar dahil sa pagkakaroon ng maraming anak.

Nagtrabaho noong ang ama ni Jose bilang general manager ng cooperative store ng Yulo Family at nabanggit din niya na mahilig naman sa negosyo ang kanyang ina. 

“Si Mamang, housewife pero maraming negosyo na pinasukan. There was a time, meron kaming boarding house sa Maynila. May pwesto kami sa Cartimar at nagkaroon ng tindahan sa Sampaloc, Manila.”

“Nung bandang huli, nagkaroon kami ng restaurant sa Canlubang. Maabilidad at negosyante si Mamang. Taga-Biñan, Laguna siya at si Papang, taga-Cabuyao.”

“Hindi ko narinig na nagreklamo si Mamang dahil marami ang kanyang mga anak pero disciplinarian siya. Mahigpit siya pero mabait, meron kaming division of labor sa bahay.

“Masyado siyang mahigpit. Dati, sinasaktan ka, siyempre, nagkakaroon ka ng resentments. Pero pagtanda mo, mare-realize mo, ang ganda ng kinalabasan kasi lahat kami, marunong ng gawaing-bahay. Lahat kami, malinis sa bahay.

“Si Mamang nga, maraming negosyo. Naiiwan kami sa Canlubang, siya nasa Maynila. Naiiwan kami sa tatay namin, yung mga maliliit na bata. Yung iba, nasa Manila kasi mga nagtatrabaho na yung first generation [na mga anak].

“Hindi ko alam kung magkano ang nagagastos nila sa pagkain dahil sa dami namin. Noong bata ako, wala akong alam sa ganyan.

“Wala rin akong nakita na hand me down clothes. Talagang bago ang mga damit namin lalo na kung magpa-Pasko. Lahat kami bago ang damit.

“Meron ding favoritism sa mga anak, pero hindi ko napapansin. Siyempre may mga kapatid na naiinggit dun sa isa pero wala naman violent reactions o away.

Nung kabataan namin, magkakatabi kami sa pagtulog sa banig. Sa Canlubang kasi libre pabahay, so kapag marami kayo, malaki ang bahay nyo.

“Malaki ang bahay namin, up and down. Kilala kami sa Canlubang dahil marami nga kaming magkakapatid. Maski ang mga Yulo, kilalang-kilala kami," ang pagbabalik-tanaw ni Joebarr tungkol sa kanyang kabataan.

Kalaunan ay nag migrate ang mga magulang ni Jose sa Amerika dahil sa petisyon ng kanyang mga kapatid na nauna na sa Amerika noong 1975.

Noong nakapunta na raw ang kanyang mga magulang sa Amerika, sila naman ng iba pa niyang mga kapatid ang penetisyonan.

“Si Papang, sa Amerika namatay noong August 12, 2001 sa edad na 86. Iniuwi siya sa Pilipinas pero ashes na lang. Si Mamang ang nag-uwi sa kanya pero after a year, namatay na rin si Mamang dito sa Pilipinas, 86 years old din siya.”

“Sa aming dalawampung magkakapatid, labing-apat na lang ang nabubuhay dahil anim na ang namatay,” ang sabi ni Joebarr na kasama sa maraming anak na dinadakila ngayong araw ang mga ina.

Sobrang paghanga ni Joebarr sa kanyang ina at dinadakila niya ito sa kanyang mga kapatid.

Source: PEP


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments